Marami siyang inorder na pagkain tutal libre naman ni France iyon kaya nag rake advantage na siya.Napakamot naman ng noo ang kanyang nobyo nang makita ang mga pagkaing inorder niya. "Mauubos pa ba natin 'yan?" di makapaniwalang tanong ni France sa kan'ya. " Uso pa rin naman ang take out noh! Kung hindi natin mauubos edi isako este ipabalot natin 'di ba?"nakangiti niyang sambit kay France. " Tsssk, u-ubusin mo 'yan ah?" paalala ng binata sa kan'ya. Nagkibit balikat na lamang siya sa binata at nagsimula nang papakin ang mga masasarap na pagkaing nasa harapan nila. Wala siyang pakialam kung matakaw siya sa paningin ni France eh kung ganito na talaga siya 'di ba? Alangan namang magpapakiyeme pa siya eh talaga namang napakasiba niya pagdating sa pagkain. " Napakatakaw mo talagang babae ka

