" Kuya, 'asan na si France?" tanong ni Samara kay King nang lumabas ito pagkatapos tingnan ang kabubuan ng mansion na bigay ni Fire sa kan'ya. " May emergency meeting raw kaya nauna na .Why? Does it really matter to you?"seryosong tanong ni King sa kan'ya. Napailing na lamang siya sa inaakto ng kuya niya. Ba't napaka-insensitive nito? Alangang hindi niya tatanungin kung 'asan na si France. " Ahm, Fire...Your mansion is really amazing but I can't take it as a gift.Una sa lahat, wala tayong relasyon para bibigyan mo'ko ng regalo . Pangalawa, ang kuya ko lang ang gustong magpakasal tayo kaya kayong dalawa na lamang ang magpakasal tutal si Kuya naman talaga ang may gusto na ituloy ang naudlot na kasunduan dati, 'di ba?" wika niya sa dalawang lalake. " Samara, napakabastos mo! " sigaw sa k

