Tumapat ang kotse na sinakyan nina Lala at Sam sa harapan ng gate ng bahay ni Mr. James Perez. Bumaba ang dalawa at saka pinindot ni Sam ang doorbell na nasa harapan ng gate. Kapansin pansin ang ibayong katahimikan sa lugar na animoy isa na itong abandoned house. Iyon ang unang pagkakataon na makapunta doon si Lala bagama't batid niyang nagtungo na rin doon ang kanilang head sa lugar na iyon at naikuwento narin sa kanya ni Detective Nugas ang kanilang naging paguusap bilang bahagi ng ipinapagawa sa kanya na isang journal sa bawat developments ng kaso patungkol sa pagkamatay ni Mr. James Perez. Pinagbuksan sila ng gate ng kanilang katulong sa bahay na si Elena. " Ano po ang kailngan nila? " ito ang naituro sa kanya na routine question everytime na may dadating doon na mga panauhin. " Mag

