APRIL 18, 2023 ( 8: 05 AM ) @ CDG Office Building Nakahanda na si Lala sa muli niyang pakikipagkita kay Sam Samonte. Nagawa niyang i-settle ang lahat kagabi ng muling tumawag sa kanya ang binata na kanya namang inaasahan. Nasabi din niya kay Sam na kung gusto niya ay samahan niya ito sa pagtungo sa nakuha niyang address thru social media na ikinatuwa ni Sam. Hindi rin niya inaasahan na magagawa siyang samahan ni Ms. Morales. Gaya ng dati ay muli silang magkikita sa isang Lugar na sinabi ni Lala. Naka set up narin ang lahat ng kakailanganin nito para ma-monitor ni detective Freda ang bawat kilos at kaganapan sa magiging lakad ni Ms. Morales kasama ni Sam Samonte. " Good luck sa inyong dalawa lalo kana Lala magiingat ka parati basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami para suportahan

