APRIL 18,2023 ( 8:05 AM ) SJS CDG BUILDING. Magkasamang dumating sina Detective Allen at Detective Freda sa Opisina ni Detective Leumas Nugas at gaya ng dati ay nadatnan nila ang kanilang head at si Ms. Lala Morales na kasalukuyang nagkakape. Dumiretso naman ang dalawa sa coffee counter para makapag kape muna bago sila lumakad patungo sa Ospital para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa nangyaring biglaang pagkamatay ni Mr. Dave Olivarez.Labis na nanghihinayang si detective Nugas kung bakit tila napabayaan yata ang kaisa isa at tanging witness sana sa nangyaring pagsabog sa opisina ni Mr. James Perez. " Hi lala kumusta naman ang tulog mo kagabi? " makahulugang tanong ni Allen.Lihim namang napapangiti si Freda sa line of questions na iyon ni Allen. " wow Allen ano bang klaseng t

