Matapos ang pakikipag usap ni Sam kay Erika ay kaagad na itong nagtungo sa kanyang naka-park na kotse dala ang box na puno ng mga naiwanang gamit ng kanyang kapatid.Pagsapit nito sa kanyang bahay ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto dala ang box na kanina pa niya gustong buksan upang alamin kung mayroon ba siyang makikita na maaring makapagturo sa kanya kung papaano niya matutunton ang kanyang kinaroroonan.Paglapag niya sa box sa ibabaw ng kanyang kama ay saka niya ito unti unting binuksan at pagkatapos ay isa isang inilabas ang mga laman nito. Naroon ang dalawang pares na medyas,dalawang roll on,isang gamit na at isa pang hindi pa nabubuksan,mayroon ding tatlong uri ng hindi gaanong kilala na brand ng shaver na disposable.tatlong hindi pa gamit na underwear at naka balot pa sa kanyang pl

