bc

My Unusual Girl

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
drama
campus
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Do you believe in 'love in first sight'? Well, ako hindi...

Nung unang araw na nakita ko kasi si Zhira, 'di ko masabi na love in first sight 'yon. Kasi parang wala lang, yung feeling na normal lang. Yung tipong pakiramdam na nararamdaman mo lang sa mga normal mong nakikitang tao.

Well, speaking of “normal" parang 'di siya normal. Oo, totoo...hindi siya tulad ng mga ordinaryong babae lang na makikita mo sa daan or sa school. Ayy, oo nga pala, usapang school naman tayo. Bale magkapareho kami ng school na pinapasukan. Pareho rin kaming grade-11, at ang mas malala, magka-classmate kami.

She's transferee from other school. Kaya hindi na nakapagtataka na wala s'yang masyadong nakaka-usap. Parang wala s'yang kaibigan.

So, let me describe her. First, she's not beautiful...of course, joke only. Hindi, bale maganda naman talaga dapat siya kung kaya lang n'yang ayusin ang sarili niya. 'Di naman siya marumi, pero ang problema nga lang 'di siya marunong mag-ayos, in short, magdala.

'Di siya tulad ng ibang babae na pala-ayos. 'Di rin siya pala-ngiti. At ang pinaka-malala 'di siya nakikipag-usap or nakikipag-interact sa iba.

Maraming araw ang lumipas at syempre marami na ring nangyari. Mas nakilala ko s'ya. 'Di ko alam kung bakit parang mas interesado ako sakanya kaysa sa ibang babae. Sobrang napaka-mysterious niya kasi. Wala lang nai-ibahan lang ako sa kanya.

Hanggang isang araw, nagising nalang ako na yung sinasabi kong “wala lang" biglang naging “love". Ba't parang na fa-fall ako. Unti-unti akong nai-inlove sa kanya.

But as others said, “walang madali sa mundo” na dapat kailangan mo munang makaranas ng paghihirap at problema bago mo makuha ang gusto mo. Pero bakit para sa'min nasobrahan naman yata?

'Di ako na-inform na may ganitong mangyayari. Hindi ako ako na-inform na gano'n-gano'n lang ang mangyayari.

Until may isang naka-abang na pagsubok para sa akin. Ayy, hindi para sa amin. Kase kaming dalawa ang lulutas.

Makakaya kaya namin? Ano kayang mangyayari kung nag-fail kami? May another chance pa kaya? Or wala na.

Ano kaya ang mga magiging consequences 'pag hindi namin ito napag-tagumpayan??

( •Well, hello mga ka-readers, ito nga pala ang bagong story na tiyak na makapag-bibigay kilig, excitement, at saya para sa inyo. Pero ang worst ay maka-pagbibigay rin ito ng problematic feelings sa inyo. But stay tuned, dahil hindi-hindi ko kayo bi-bigoin. I'll do my best to complete this story. And I'll make sure na marami kayong mga kapu-pulotang aral na maaaring makatutulong sa inyo to improve more your self. Advance thank you to those who can read this!!💛Maraming salamat po!)

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Hahaha,” tawa ng mga barkada kong babaero. Well, nandito kami ngayon sa canteen. Syempre ako pasimple lang na kumakain ng mga binili ko. Tapos ang isa kong katabi dito, pasimpleng nambuburaot. Ewan ko ba, eh pare-pareho lang din naman kami ng binili pero ang bilis n'yang naubos. “Oh Jake, ito sayo nalang 'yan. Total balak mo rin lang namang ubusin,” sabi ko nang kukuha na naman sana siya. Inabot niya rin ito kaagad.“Thanks par! gutom kasi ako eh, 'di ako nakapag-almusal kanina. Late kasi akong nagising. Ikaw ba naman magising ng 7:20, haha!" sabi ni Jake na para bang ngayon lang na-late eh halos araw-araw nga eh. Barkada's goal haha! “Wow naman Jake parang ngayon lang na-late ah,” sabi ni Jessica na kadarating lang. Yung monitor namin na naglilista ng mga late sa classroom. “Kyle, nga pala yung part mo sa research tapos mo na? Kasi ipa-pacheck ko na mamaya kay Sir Gomez yung research natin." Tanong naman ng kasama ni Jessica si Samantha, yung leader namin sa research. Hayst, oo nga pala! Yung part ko sa research 'di ko pa nasisimulan. Nakalimutan ko kasing gawin kagabi. Eh, pano ba naman sabay-sabay naman kasi yung mga pinapagawa ng mga teachers namin. 'Yan tuloy, kahit 'di ko pa nasisimulan, tinatamad na buong sistema ko...Naku naman! “Ah ipa-pacheck mo na ba ngayon? 'Di ba pwedeng bukas nalang hindi ko pa kasi nafa-finalize eh! Tas dadagdagan ko pa para mas maging maganda yung research natin,” pagpa-palusot ko. “Eh sabi kasi ni Sir ngayon na natin ipasa. Tapos na rin nina Lyka at Jericho yung part nila, kayo nalang ni Zhira ang hindi pa,” wika ni Samantha. “Ah, ganon ba? Eh pati rin naman pala si Zhira ah 'di pa tapos. Kaya bukas nalang nating ipa-check,” sabi ko. Hayst, buti nalang at 'di ako nag-iisa, haha! “I mean, si Zhira 'di pa niya natatapos pero tinatapos na niya ngayon. Sigurado ako tapos na niya 'yon mamaya,” pagpu-pumilit niya. Naku naman, anong pwedeng ipam-palusot dito sa leader namin? 'Di ba niya alam na sa t'wing naririnig ko ang salitang 'research' gumuguho ang buong pagkatao ko. Hayst oa ko, pero yung totoo, anong pwede kong isagot? “Samantha, 'wag mo nang ipilit pa kay Kyle na ipasa ngayon yung part niya sa research n'yo. Eh, alam mo namang adik 'yan sa ml. Edi malamang mas uunahin niya yang pag-e-ml niya kaysa d'yan sa research n'yo, hahaha,” sabi ni James na halata namang natatawa. Pero salamat kahit papano ay nakatulong rin. "Hahaha for real!" sabi naman ni Yesha. “Samantha, what if ikaw nalang gumawa ng part ni Kyle? Eh boyfriend mo naman siya 'di ba?" Panunuksong sabi ni Jake. Isa pa to eh, tsk! “Yieeh! Hoy, grabe kayo ha! Unfairness kinilig ako don, haha!" panunukso naman ni Bea, bestfriend ni Samantha. “Yiee, haha! Oo nga noh!" Sabi naman ng halatang nagseselos na si Kate. Yes, alam ko, kahit 'di n'ya sabihin sa'kin ng harap-harapan, nahahalata ko. Base na rin sa mga ikini-kilos niya. 'Pag may nakikipag-usap sa'kin na ibang babae or kahit lumalapit, makikita mo sa mukha niya na nagseselos siya...selos malala. Si Samantha, 'di ko siya girlfriend. At isa pa wala naman akong gf. 'Di pa ako nagkaka-gf. Well, handa naman na talaga akong magka-jowa, kaso nga lang sinusumpong ako ng pagiging torpe ko minsan. Kaya ayon wala akong lakas ng loob na ligawan ang natitipohan ko. Pero okay pa rin naman kahit 'di ko pa ligawan ang crush ko. Wala rin namang ibang lalaki ang magkaka-interes don. Kasi bukod sa hindi siya pala-kaibigan at pala-ngiti, 'di rin siya tulad ng ibang mga babae na pala-ayos. Marami pa siyang pagka-kaiba pero 'di ko na iisa-isahin, andami kasi. In short, she's unusual to other girls. Hayst, bakit ba siya na naman ang ini-isip ko? 'Di ba nagsasawa ang isip kong isipin siya? Naku naman. Halos araw-araw at gabi-gabi ko na s'yang nai-isip ah. Kagabi nga napanaginipan ko na naman siya. Before akong natutulog, parati s'yang sumasagi sa isipan ko. Hmmm, ginayuma niya ba ako't parang siya nalang lagi ang laman ng isip ko...pati sa puso ko. Speaking of 'puso' maaari bang paki-kuha yung puso ko? Ayaw na kasi nitong bumalik. Nagpa-angkin na sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom, kapapasok lang namin galing canteen. Actually, ayaw pa ngang pumasok ng mga loko kong barkada kanina kung 'di lang kami nakita ni Ma'am Crizza, yung adviser ng section namin. Sabi niya, ‘oh, Clark, Kyle, Jake, James, Denver at Luke ba't 'di pa kayo pumasok 'diba Physical Science na ninyo ngayon? 'Wag n'yong sabihin na mag-ka-cutting kayo?' mahabang lintaya ni Ma'am na halatang 'di maganda ang mood. Eh, pano ba naman kasi 'tong mga kasama ko kanina pang tawa ng tawa. Nang biglang nagsalita si Denver, sabi niya ‘Ma'am si Luke po kasi at si Kyle sabi nila na mag-cutting daw po kami ngayon.' Luh! talagang kahit kailan itong si Denver mahilig bumuko. Hayst, pre, magbago kana! Ang isang toh! Kahit nung nasa junior high palang kami ganyan na mga galawan niya. Ngayong nasa senior high na kami ganon parin. 'Di ata tatalab sa kanya ang salitang 'people change‘ eh, noh. Hayst, naku naman, mula noon hanggang ngayon your acting like a ked, haha! Pero syempre, dahil sa 'di kami immatured ay hinayaan nalang namin. Hayst, masamang pumatol sa mga bata. Well, inaamin ko na kung minsan ay 'di ko rin maiwasang masumpong ng pagiging immature ko, pero minsan lang naman. Hindi gaya nitong isang to, halos inaraw-araw nalang, tsk! So 'yon na nga nasa loob kami ng classroom. Ang ingay, sobra. Sana nga pala tinuloy nalang namin ang pag-cutting. Nang biglang nahagilap ko ang isa naming classmate na babae na tahimik na naka-upo. Busy sa paggawa ng part niya sa research, for sure. Well, wala ngayon yung subject teacher namin sa Physical Science. May tinatapos raw na demo sa other section. Hayst, pano ko kaya makaka-usap si Zhira? Anong pwede naming pag-usapan? Baka kami pa ang mapag-usapan ng iba d'yan. Ang dami pa namang mga marites dito. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, nakita ko siyang tumayo. Dahilan upang mapangiti ako. Actually, maganda naman siya, pero ang problema ay marami.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook