Artemis Thaleia's Pov Papasikat pa lamang ang haring araw nang dumungaw ako sa maliit na bintana ng kubo kung saan kami nagpalipas ng gabi nina Mallory, Liri, Rivalee at Eero, sina Sin naman ang umukupa sa kasunod na kubo na ilang hakbang lang ang layo mula rito. Hindi ko maialis sa 'king sarili na mapangiti habang pinagmamasdan kong kumalat sa bughaw na langit ang kulay kahel na liwanag ng araw. Ang huni ng mga ibon na lumilipad sa paligid, ang malamig na simoy na hangin. Pakiramdam ko'y nasa sinaunang panahon kami. Payak ang pamumuhay, wala gaanong problema maliban sa kung ano ang p'wedeng ihain sa mga hapag na p'wedeng ipanglaman sa t'yan. "Asubuhi nzuri, Mama. (Good morning, Mama.)" nagbaba ako ng tingin mula sa malawak at maliwanag na kalangitan papunta sa ibaba ng

