Artemis Thaleia's Pov "Kanina pa kita hinahanap." Nanatili ang pagkakapako ng mga mata ko sa mga hugasin kahit na malinaw kong narinig ang boses ni Sin. Ilang segundong katahimikan ang lumukob sa 'ming dalawa nang hindi pa rin ako umimik kahit na kinakalabit na 'ko nito. Masiyado na 'kong nagi-guilty. Ang dami kong sikreto sa kaniya at pakiramdam ko ay wala na rin akong pinagkaiba kay Zaiji o sa kung sino mang espiya at traydor... pero kasi, para sa kaniya ang mga ginagawa kong 'to. "Artemis—," Ibinaba ko sa lababong gawa sa kawayan ang plastic na platong hawak saka humarap dito suot ang kaswal na emosyon sa 'king mukha. "Kumusta ang paghahunting n'yo?" kaagad kong tanong at pilit na pinagmukhang ayos lang ang lahat sa pagitan namin. Crimson eyed me suspiciously t

