Artemis Pov "Where is he?" tanong sa 'kin ni Marcus. Ang boses nito at ekspresyon sa mukha ay unti-unti na ring nahahaluan ng pagkainis dahil mag-iisang oras na rin naman silang naghihintay rito sa bakanteng lote kung saan nakalapag ang chopper na maghahatid sa 'min sa airport. Director Laniere cleared his throat. I turned my back slowly and my heart starts to break upon seeing Sin striding toward us casually, sa likuran nito ay nakasunod si Lorcan na hawak ang pamilyar na maskara at si Thayer. Kaagad akong naalarma at natatarantang napatingin kay Marcus at Director Laniere nang iangat ng limang special agent na nakaabang kay Sin ang mga baril nila at itinutok 'yon dito. "Ibaba n'yo 'yong mga baril!" sigaw ko ngunit nanatiling walang kilos ang mga 'to. Galit na galit n

