KANINA pa siya nakaayos, mabilis lang naman siyang naayusan ni Margie dahil mas madami na ngayon ang kasama nito para ayusan siya. Siguro dahil na din ilang oras nalang dadating na si Harry at ang ancle nito. "Lady Janette"tawag sa kanya ni Mindy. Napahawak siya sa dibdib niya at mariing napapikit ng makita niya ang dalaga. Sobrang nagulat siya sa biglang pagpasok nito sa kwarto nila ni Harry. Ang lalim naman kasi ng iniisip niya, iniisip niya kung paano siya haharap sa Tito ni Harry. "Sorry po Lady Janette"hinging paumanhin ni Mindy. "Ano k aba naman Mindy, muntik na akong mapaanak ng wala sa oras sa gulat ko"aniya dito habang hinihimas ang tapat ng puso niya sobrang bilis ng pintig. "Sorry po talaga Lady Janette"puno ng pag-aalalang sabi ni Mindy. Hindi naman siya sumagot at pili

