"PATAWARIN mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sayo Janette, masyado kasi akong ambisyosa. Nasilaw ako sap era, kaya nagawa ko iyon sayo, isa pa nalulong ako sa sugal. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng ipangbabayad ko noon sa lahat ng mga napatalo ko. Alam ko kasi sapat lang ang perang kinikita mo para sa pang-araw-araw na gastusin natin sa bahay."paliwanag ng kanyang ina. Nakatitig lang siya sa mukha ng kanyang ina, gusto niyang magalit dito pero ayaw ng puso niya. Sa dami ng ginawa nito sa kanya na hindi maganda, dapat galit na siya dito. Dapat kinamumuhian niya ito ngayon, pero hindi niya magawa. "Matagal ko na kayong pinatawad 'nay"mahina niyang sagot sa ina niya. Napahagulgol naman ang nanay niya sa sinagot niya dito. Not minding the make-up on her face. Kumuha siya ng isang

