FIVE years and counting. Ganyan na sila katagal na kasal ni Harry, and today is their fifth wedding anniversary pero wala ang asawa niya. nataon naman kasing umuwi ito ng England at naabutan ng malakas na bagyo doon kaya naman hindi makauwi kahit pa gamitin nito ang private plane nilang mag-asawa. "Wife, I'm really sorry for today"hingi na naman nito ng tawad sa kanya. May isangdaang beses na yata nitong sinabi iyon sa kanya, natatawa na nga lang siya dito ngayon kasi ang kulit talaga. "Ang kulit, ilang sorry mo na iyan?"sagot niya na kuwaring galit dito. Magkachat sila ngayon, ilang oras na din silang magkausap online. Nagsimula sila ng matapos silang kumain ng tanghalian kanina. Nagsawa na nga ang anak nila sa pakikipagkulit online sa ama nito. kaya sila nalang ni Harry ang magkau

