Nilibot lahat ni Brett ang sa akala niyang pupuntahan ni Jhianna at nang kasama nito. Nag lakad-lakad din siya at iniwan niya ang kaniyang kotse. Nang makaramdam ng pagod ay umupo muna siya sa may tabi para mag pahinga. Pagod na siya sa totoo lang pero gusto niyang makausap si Jhianna at humingi ng tawad dito. "Pero, sino 'yung lalaking kasama mo Jhianna? Pinag palit mo ba ako kaagad?" naitanong ni Brett sa kaniyang sarili. Masakit oo, pero kasalanan niya din naman eh kung bakit magagawa ni Jhianna iyon kung sakali man na nobyo niya na nga iyong kasama niya. "Pero hindi ako susuko Jhianna, babawiin kita sa kung sino man na lalaking kasama mo!" nasabi ulit ni Brett at tila napalakas yata ang boses niya kaya pinag titinginan tuloy siya ng mga tao. "Di ba si Brett Hanley iyan? Bakit par

