Ilang araw na lamang at araw na ng kasal nina Fiona at Brett. Excited nang masyado si Fiona para sa araw na iyon. "Brett, hindi na ako makapag hintay sa kasal natin honey!" malambing na saad ni Fiona habang nakapulupot sa mga braso ni Brett "Hay! Naiimagine ko na na ako ang most beautiful bride this year! And I'm sure you will be so proud of that! Di ba Brett!?" saad pa nito. Hindi naman sumasagot si Brett dahil halos sumabog na nga ang galit niya dito. Kung hindi lang sa mga plano niya ay matagal niya na itong pinalayas sa bahay nila. "Brett, puwede ba na sa ibang bansa na lang tayo mag honeymoon? Kasi wala namang magandang lugar dito sa Pilipinas eh! Saka nakakasawa na rin naman dito! Sige na please!" malambing pang saad ni Fiona. "Bahala na Fiona! Sige na diyan ka muna at aalis

