"Jhianna, gusto mo na bang ipaalam sa mga magulang at kapamilya mo ang tungkol sa atin? Medyo matagal ka na ring hindi nakakauwi sa inyo di ba?" tanong ni Brett isang araw habang pinapatulog ni Jhianna ang kanilang anak. Natahimik naman si Jhianna sa tanong na iyon ni Brett. Napahinga ito ng malalim at napaayos ng upo. "Hindi pa ako handa na mag sabi sa kanila Brett. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa maaaring sabihin nila sa akin." Napatungo si Jhianna dahil parang tutulo na ang kaniyang mga luha. Miss na miss niya na kasi ang kaniyang ina at kapatid ngunit natatalo siya ng takot na baka isumpa siya ng kaniyang buong pamilya dahil sa desisyon na ginawa niya. "Jhianna kung hindi mo haharapin ang takot mo ay hindi mo malalaman kung ano ba talaga ang mangyayari sa oras na malaman

