"Jianna, ready ka na ba?" ani Brett. Papunta kasi sila ngayon sa OB ni Jianna para mag pacheck-up. "Oo, eto na sandali!" sagot naman ni Jianna na hirap na hirap mag suot ng sandals dahil hindi niya na ito makita dahil sa laki ng tiyan niya. Nainip naman si Brett sa kahihintay kaya pinuntahan niya na sa kuwarto si Jianna. "Hindi ka pa rin ba tapos? tanong ni Brett. "Eh hindi ko kasi maisuot ang sandals ko, hindi ko rin maitali," nakabusangot na saad naman ni Jianna. Kanina niya pa kasi inaabot ang paa pero hindi niya maabot. Napangiti naman si Brett sa itsura ni Jianna na mukhang napipikon na. Lumuhod siya sa harap ni Jianna at isinuot dito ang sandals na kanina pa pinaghihirapan ni Jianna na maisuot. Napangiti naman si Jianna sa ginawa ni Brett. Para bang nakakita siya ng mga puso sa

