"Bakit nga ba hindi pare? Bakit nga ba hindi ko siya yayaing magpakasal? Baka sakaling pag kasal na kami ay mas lumakas ang loob niyang ipaglaban ang pag-ibig namin," saad ni Brett. "Kaso pare handa ka rin ba na ipaglaban sila kapag hindi tinanggap ng mga magulang mo si Jianna?" tanong naman ni Luke. "Bakit naman pare? Anong kinalaman ng parents ko sa amin? Eh sa akin nga wala silang pakialam eh!" tila inis na sagot ni Brett. "Brett, hindi mo mapipigilang mag isip ng masama ang parents mo if they found out about Jianna!" saad naman ni Luke. Tila napaisip naman si Brett sa sinabi ni Luke. Tama siya dahil kahit na sino ay mag iisip at mag iisip ng masama kapag nalaman nila ang tunay na nangyari bago pa sila mag mahalan. "Ako lang ang nakakakilala kay Jianna! Alam mo na malinis ang pagka

