Wala nang nagawa si Jhianna kundi ang umiyak habang nakatayo sa gitna ng kadiliman at kawalan. Wala na siyang makita dahil sobrang dilim sa kinatatayuan niya. Humahagulhol na siya nang biglang may tumunog na mga paputok na papunta sa langit. Nang tumingala siya ay napanganga siya dahil sa ganda ng kalangitan nang dahil sa mga nag gagandahang fire works na may iba't-ibang kulay. Maya-maya pa ay may napakaliwanag na fireworks na naman ang lumitaw at nang ito at pumutok ay lumabas ang mga salitang "WILL YOU MARYY ME?" Na siyang ikinabigla ni Jhianna sabay ng biglang pag liwanag ng buong paligid. Nang libutin niya ng paningin ang paligid ay nakita niyang nasa gitna pala siya ng napakagandang hardin na napapalibutan ng nag gagandahang bulaklak. Ang kaniyang kinatatayuan ay punong-puno ng bu

