Mabilis na lumipas ang mga araw at naging maganda ang pag sasama nina Jhianna at ng mga magulang ni Brett. Nag pasya na nga ang mga ito na manatili na muna sa bahay at huwag na munang bumalik sa ibang bansa. Mahal na mahal ng mga ito si baby Jiansen at halos sila na lamang ang nag aalaga dito sa araw-araw. Rason ng mga ito, nalilibang daw sila sa pag aalaga sa bata at masaya sila na maalagaan ang anak ni Brett. Kaya naman sina Jhianna at Brett ay siyang palagi ang wala at tinututukan ang negosyo ng pamilya. Isang araw ay parang nag karoon ng problema sa accounting office. "Bakit ganito Aida? Mataas ang sales natin pero bakit parang kulang ang income? Anong nangyayari, bakit parang may nag babawas ng mga collection? Hindi n'yo ba chinicheck ang bayad ng mga customers bago n'yo idiposit

