Nang umalis si Brett sa bahay ay pinuntahan niya si Luke sa bahay nito. Gusto niya kasi nang may makausap dahil masyado siyang naguguluhan sa mga nangyayari. "Oh, Brett! Naligaw ka ata bro! Kumusta ka na?" ani Luke nang pag buksan siya nito ng pinto. "Bro, masyado akong naguguluhan! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Masyado akong nagalit kay Jhianna noong araw na malaman ko na siya pala ang nag nanakaw sa kumpanya! Pero...!" hindi niya na naituloy ang sasabihin at napasabunot na lamang siya sa sariling ulo. Napahinga naman ng malalim si Luke. "Brett naman kasi, bakit hindi mo man lang binigyan ng pag kakataon na makapag paliwanag si Jhianna? Bakit inakusahan mo siya kaagad?" saad naman ni Luke. "Kasi nandoon na iyong ebidensya eh! Nakapangalan sa kaniya ang bank book pare at maliwanag

