13 Water Chestnut Juice

1655 Words
Water Chestnut Juice "Water chestnuts are aquatic vegetables that are nutritious and delicious. They are greats source of antioxidant and promote heart health. And also excellent source of potassium which is a very important mineral for human health." Leila pov Ilang years na ako dito sa Singapore. Naipasok ko na din dito sa work ko si Elle, pero magkaibang branch at department kami nagtatrabaho. Ang masaklap pa hindi rin kami nakakapagsabay sa lunch and dinner. Iba din siya nag renta ng apartment. Malapit iyon sa pinapasukan niya. Nagrereklamo ito na pangit daw ugali ng mga kasama niya sa apartment. Kaya sinabi ko na lang na tiis muna siya. Makakahanap din kami ng bagong apartment niya. Ayaw naman kasi nito sa apartment namin ng boyfriend ko tumira. Kahit sinabi kong hindi kami nagsasama sa Iisang kwarto ng boyfriend ko. Mas gusto parin daw niya yung may privacy kami ng boyfriend ko. Speaking of boyfriend. Nag away kami kagabi dahil madalas na itong ginagabi ng uwi. Nagkayayaan daw ang mga kawork nito na mag inum sa labas. Madalas na itong lumalabas sa gabi ng hindi na ako ang kasama niya. Nawawalan na din ito ng time sakin na supposed kami ang namamasyal tuwing gabi sa labas. Nagsasawa na kaya ito sa akin? Naghahanap na ba ito ng bagong environment na hindi ako ang kasama nito. Normal lang naman pero wag naman niya ako baliwalain. Kahit naman ako naghahanap din ako ng ibang experience na hindi ang boyfriend ko ang kasama ko. Pero kahit gano'n ang nararamdaman ko minsan. Siya parin naman ang pinipili ko. Kahit ang lalaking laman ng isipan ko ilang buwan na yata iyon. O, baka taon na din iyon na naiisip ko ang lalaking nakita ko dati sa Ikea. Yung mga tingin niya sakin noong nagtama ang aming mga mata. Sumikdo bigla ang puso ko first sakin na nangyari iyon. Malakas ang impact nito sa tingin pa lang nito. May kakaiba na akong nararamdaman. Pero dahil loyal ako sa boyfriend ko sa kaniya lang ang atensyon at puso ko. Hahayaan ko na lang muna kung ano ang gusto ng boyfriend ko. Hectic naman kasi talaga ang trabaho nito. Minsan nag o-overtime pa sa trabaho at naiintindihan ko iyon. Pero ang hindi ko maintindihan ay ang laging gabi na umuuwi. Minsan lasing dahil sa barkada at kawork mate nito. Dito na ako naiinis saknya dahil ibang usapan na iyon. Baka iba na ang ginagawa nito sa labas. Lalo na at hidni ko nakikita ang mga pinaggagawa nito sa labas. Sabi nga ng mga kaibigan ko sundin at paniwalaan ang woman instinct. Dahil totoo daw iyon. Pero sa ngayon palalampasin ko muna dahil hindi naman ako naghihinala na nambabae ito. Wala naman kasi itong kakaibang amoy sa katawan. Wala din kissmark o amoy babae sa damit o katawan nito. Sana wag siyang mambabae dahil handa naman akong ibigay ang sarili ko saknya eh. Wag lang siya maghanap ng ibang babae. Hindi ko kaya. Mag-isa na naman akong kakain. Tinawagan ko si bakla pero ayaw sagutin tawag ko. Hanggang ngayon hindi pa nagpapakita sakin. Kailangan daw na mag-upgrade ito bago magpakita sa'min ang daming kaartehan. Gagong baklang iyon ah. Naisipan ko na bumili ng chestnut juice. Isa ito sa favorite kong inumin dito very healthy juice. Sumigla ang pakiramdam ko ng si bakla na ang tumawag sakin. Kaya agad kong sinagot ang tawag nito. "Hey beks. Asan ka? Kita tayo treat mo ako ha."sabi ko agad. "Kaya nga tumawag ako sa'yo dahil uutang nga sana ako."sabi naman nito. "Tse! Tatawag ka lang kapag may kailangan ka. Gaga ka!"natatawa kong sagot. "Alam mo naman na need ko ng mag-overtime sa trabaho. May pera naman ako dito pero kulang. Magbabayad pa kasi ako ng renta ng apartment ko at tubig, kuryente. Sumabay pa ang bills ng wifi ko. Kailangan kasi nila Mama ng pera pambili gamot ni Papa. Mahal pa naman ang bills nila sa hospital kaya kinakapalan ko na ang maghiram sa'yo. Dahil wala na akong mahiraman dito. Nakautang na din ako sa mga kaibagan ko sa Pilipinas. Yung isa naming tricycle binenta na din nila. Pasensiya na Leng."mukha nga itong problemado. "Kaya ba panay overtime mo? Sana nagsabi ka sakin noong na hospital na si Tito. Para naman nakatulong man lang ako. Saan ka ba?"tanong ko. "Dito ako sa dhoby ghaut ngayon." "Nandito din ako sa Plaza Singapora. Kitain mo ako sa harap ng Mall sa park diyan sa harap. Para madali mo akong makita. See you."sabi ko. "Sige Leng salamat." Nagtungo na ako agad sa labas. Para makita niya ako agad. Nag withdraw na din ako ng pera para sa ipapautang ko sakniya. Matagal na kaming magkaibigan at marami na din itong naitulong sa akin dati. At ako naman ang tutulong sa kaniya sa abot ng makakaya ko. Sa pagmamadali kong lumabas may nabangga akong tao. Kamuntik na akong matumba mabuti na lang naagapan niya ako. Napayakap ako sa taong nabangga ko dahil sa pagtulong nito sa'kin. Para hindi ako tuluyan matumba sa sahig. May kakaiba akong naramdaman. Kaya mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ko sa lalaking tumulong sa'kin. Ito din ang nabangga ko. "I'm so sorry. And thank you. I'll be careful next time."Sabi ko agad at umalis na. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Yung amoy niya pamilyar sa akin. Yun lagi ang hinahanap hanap ng ilong ko. Saan ko na ulit naamoy yung ganong pabango? Saka ko na iisipin sa ngayon ay kitain ko na muna ang kaibigan ko. "Beks?"malakas kong tawag. Diko sure kong siya nga ito. Bakla nga pero nakasuot naman ito ng suit at bagay na bagay nito ang suot. Lumingon naman ito sa akin. Siya nga! "Ikaw nga! Lalaking lalaki kana ah. May girlfriend kana?"tuwang tuwa kong tanong sabay yakap sa kaibigan na bakla. Kaso tumili ito at tinulak ako. Tawang tawa ako bakla parin pala. Hindi pa ito nakontento sinubunutan pa ako. Hinampas ko na rin siya sa braso. "Sinong may sabing yakapin mo ako?"simangot nito. "Oo alam ko namiss natin ang isa't isa pero hindi mo na kailangan na yakapin pa ako."ingos nito. Hinampas ko ulit ito sa braso. "Ang arte mo! Hindi mo naman bagay mag-inarte."natatawa kong sabi. Um-abresyete ako sakniya at iginiya ko ito sa upuan sa gilid. "Kumusta ka dito? May wrestlingan na bang nangyayari sa inyo ng boyfriend mo?"tanong nito. Umiling akong natatawa. "Aba, inamag na ang tahong mo at talong niya. Makakabuo pa kaya kayo kung panay trabaho niyo naman na dalawa."sabi pa nito. "Magsalita ka akala mo ang tanda ko na. Hindi pa ako menopause Gaga!"humalakhak lang ito. "Eh, malay ko ba. Ang tagal niyo na dapat may anak na kayo ngayon. O, di kaya ay nagpropose na siya sa'yo ng kasal. Anong petsa na sigurado ka bang Ikaw ang babaeng gusto niyang makasama sa buong buhay niya?"tanong pa nito. "Hoy, baka nakakalimutan mong magkasing edad lang talaga."sabi ko at hindi ko pinansin ang sinabi nito. Sa totoo lang wala naman itong nababanggit na kasal o pakakasalan ako balang araw. Ang sinasabi lang nito ay Mahal niya ako at makakapaghintay ang kasal. Kahit hindi naman ako nagtatanong about kasal. Gusto ko kasi siya ang mag-open up. Dahil last time na nag open up ako. Marami siyang sinabi at dahilan. Kaya dina ako sumubok pa. "Iwas ka sa topic? Tsk!"humalukipkip pa ito. "Kumusta ang Papa mo?"tanong ko. "Nasa hospital parin siya. Double kayod na ako dito para makatulong naman sa gastusin sa hospital."sagot nito. Tinignan ko ang relo ko. Kailangan ko ng magmadali. "Oh, kunin mo na muna ito. Bayaran mo na lang ako kapag nakaluwag-luwag kana. Pray lang tayo na mapabilis ang paggaling ni Tito." "Salamat talaga Leng, malaking tulong na ito kay Mama. Para hindi na sila uutang pa sa kung saan-saan. Salamat talaga babawi ako sa'yo kapag okay na ang lahat."madamdamin nitong sabi. "Walang anoman. Wala pa kasi akong sahod. Ayoko din na umutang sa kasintahan ko nag away kasi kami kagabi."malungkot kong sabi. "Bakit? Nambababae ba?"tanong agad nito. "Hindi naman. Laging lasing na kasi umuuwi. Late na ito palagi umuuwi ng apartment namin. Kaya kinumpronta ko ito ayon nagalit. Nagkasagutan kaming dalawa."simangot ko. "Nako, kabahan kana hindi sa pinag-ooverthink kita. Baka mamaya mambabae na yan. Mas masakit pa Yan sa break up."Sabi nito. "Ay grabe ka naman. Wag naman sana alam mo naman na siya lang ang boyfriend ko eversince. At Mahal na Mahal ko ang lalaking yan."nalungkot ako bigla. Kinabahan ako bigla na hindi mawari. "Alam ko naman iyon. First year college palang tayo boyfriend mo na siya. Ilang years na ba kayo? Di ba sobrang tagal na kayong magkasintahan. Tapos hindi niyo pa napag-uusapan ang tungkol sa inyong dalawa. At heto laging naglalasing at Gabi na palagi umuuwi kamo. Kabahan kana ba o kakabahan palang?" "Sana pala hindi ko na lang sinagot ang tawag mo at kunwari busy pa ako. Dinagdagan mo ang problema ko sa kaniya. Pinalala mo pa ang pag-ooverthink ko."simangot ko. "Mas mabuti na yung alam mo na agad ang posibilidad na mangyayari kesa nagtatanga tangahan ka. At nagbubulag bulagan ka ano! Pero ang payo ko lang sa'yo fren kausapin mo siya ng mabuti. Para magkaintindihan kayo if ever na may gano'n kana ngang hinala. Para maagapan ang problema." "Salamat. Kapag may oras ka pa mamaya kain tayo ng dinner. Dahil alam kong matagal na naman tayong hindi magkikita nito. Kahit ang lapit lang naman natin sa isa't isa. Kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Malapit na matapos ang break time ko."sabi ko sa kaibigan. "Sige hintayin kita bruha. I-text mo lang ako kapag uwian mo na ha. Daan muna ako saglit sa lucky plaza ng makapagpadala na ako ng pera sa pamilya ko. Sobrang salamat sa'yo very supportive at mabait kong kaibigan. Very maaasahan sa lahat. Lalo na ang paghihirap ng wallet ko."humalakhak kaming dalawa sa huling sinabi nito. Beniso-beso muna niya ako bago na ako pumasok sa loob ng Mall at ito naman ay nagtungo na sa MRT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD