Laksa
"Laksa is a spicy noodles dish popular in southeast Asia. An incredibly rich, fragrant, and deliciously spicy noodles. One of the best dish here Singapore."
Nathan Pov
Katatapos lang ang meeting namin. Kaya kumain na muna ako ng laksa bago ako umalis na sa Mall. Pero naisipan ko munang maglakad lakad na muna dito sa gilid ng Mall. Bago ako umuwi ng condo ko. Dahil busy na naman ako mamayang gabi sa Bar ko. I need fresh air.
Next week uuwi akong Pilipinas hindi na ako malulungkot pag-uwi ko. Dahil nandito lang pala sa Singapore ang hinahanap ko. Pinag lalapit talaga kami ng tadhana ni Lord. Pero alam ko naman na kaya ito nag abroad dahil sinundan nito ang kasintahan nito.
Yung inggit ko at selos to the medium level na. Malapit ng mag highest level ang selos ko kahit wala naman akong karapatan mag selos. Nilalapit lang siguro ni Lord ang babae sa akin. Para ipamukha na wala na akong pag-asa pa sakanya. No matter what I do.
But heck, I know and I can feel it, she's the one for me. Balang araw magiging akin din siya. Kung mangyayari man iyon hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.
Napatigil ako sa pag-iisip sa dalaga ng parang naulinigan niya ito. Ang boses ng babaeng love of my life. God, umamin ka shini-ship mo ba kami ng babaeng ito. The love of my life. Ang galing mo pinaglalapit mo talaga kami para sa isa't isa. Sana God next time na ipaglapit mo kami yung sana mapansin na niya Ako. Yung kausapin ako kahit ang sungitan niya ako ayos lang. "Basta ang mahalaga importante." Nangiti ako sa sinabi ko.
Naglakad pa ako para makita ko siya. Nasa gilid ito nakaupo sa upuan na semento at kumakain. Nangunot ang noo niya. 'Ito ba ang lunch nito? Mga not healthy food?' Tanong ko pa sa sarili.
Parang nagbabangayan sila ng boyfriend nito sa tawagan. Someday hindi na ako nakikinig sa usapan nila dahil ako na ang kausap nito. Hindi sa cellphone lang kita kakausapin. Ako na ang kasama mo araw-araw. Ako na ang magpapasaya sa'yo. Ako na ang magmamahal at mag-aalaga sa'yo. Ako lang dapat ang lahat. Someday.
Nandito ako sa katabing upuan. Seating silently para hindi niya ako mahalata. Nilabas ko ang cellphone ko at kunwari nagpipindot. Pero ang totoo nakikichismis lang ako and I want to get close to her. Kahit dito naaamoy ko ang amoy nito salamat sa hangin dahil dinadamayan ako. Very supportive talaga ang hangin sakin.
Pinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang bango nito. Kung pwede ko lang ipunin ang amoy nito ay ginawa ko na kanina pa. Maya't maya naramdaman kong parang tapos na ito. Mas naamoy ko pa kasi ng malapitan ang pabango nito. Minulat ko ang isa kong mata. Nakatayo na ito malapit sa akin kinauupuan. Nakatingin pa ito sa gawi ko. Gumalaw ako at umayos ng pagkakaupo. Nakita ko itong biglang tumalikod at mabilis na umalis dito. Nakita ko itong nagtapon ng basura bago naglakad na papalayo dito.
Napangiti ako ng todo. At least napalingon siya sa akin. Masaya na naman ang puso ko. Tumayo na ako ng makita kong nakalayo na siya sa'kin. Sinundan ko ito sa loob ng Mall ng hindi niya ako mahahalata.
Sa second floor ito nagtungo. Nakapukos lang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa makarating ito sa pinagtatrabahuan nitong department store.
"She's a Saleslady?"tanong ko sa sarili ko.
Mas pinili nitong maging saleslady dito sa ibang bansa kesa ang manager sa Mall sa Pilipinas. Maganda naman ang trabaho nito at malaki ang sahod sa Cromwell Mall ah. Malaki din naman dito kapag maconvert sa peso. Mas pinili lang siguro nito ang mapalapit sa boyfriend nito. Yung inggit ko para sa lalaking iyon umatake na naman.
"Now, na alam ko na kung saan ka nagtatrabaho. Ang aalamin ko naman ay kung saan ka nakatira."sabi ko pa.
Umalis na ako doon ng makitang busy na ito sa trabaho. Papasyalan kita kapag hindi na ako busy sa trabaho. Babantayan kita at poprotektahan sa sinomang gustong manakit sa'yo. Lalo na ang gawan ka ng masama nino man. I promise!
Masaya akong umalis sa Mall na iyon. Masaya ang mukha kung nag-drive pauwi ng condo ko. Bumibilis ang t***k ng puso ko kapag naaalala ko ang paglingon niya sakin kanina. At tinignan ako habang nakapikit ang mga mata sana pala hindi ako gumalaw ng mamemories naman niya ang mukha ko. Napangiti na naman ako.
Mukha na akong baliw. Nahuhumaling sa taong may kasintahan na. Nag aaksaya ng panahon sa babaeng walang pakialam sa mundo. Walang pakialam sa paligid. Nakapokos lang ang atensyon sa boyfriend nito.
Yung masaya ako tapos mawawala din bigla dahil kahit anong gawin ko hindi parin siya magiging akin. Ayoko naman na basta ko na lang sila paghiwalayin. O, di kaya'y utusan ang lalaki na iwan ang kasintahan nito. Kidnapin ko ang babae at iblackmail. No! Hindi ko magagawa yan. Mas mahalaga parin sakin ang nararamdaman ng babae. Ayokong ako ang dahilan ng ikakasakit ng kalooban nito.
Tama na ang pinaglayo ko sila. But it's failed. Magkasama na ulit sila dito sa Singapore. They really love each other and I'm envy, I'm jealous and I'm hurt. I don't know why, ang daming mga babae sa mundo. Bakit sa kaniya pa ako nakaramdam ng ganitong pagmamahal. Love at first sight. Nahihibang na talaga ako.
But I trust God. He knows what is for me. And that's Leila Madrid. She will be mine one day. Tiwala lang. I swear magsasawa din ang lalaki at magloloko yan. Lalo na kapag may babae siyang nagustuhan na iba. Kahit napakaselfish ng iniisip ko. Sana maghiwalay parin silang dalawa in a good way. Hindi yung basta na lang iiniwan ng lalaki si Leila at mambabae agad-agad. Mas masakit yung gano'n na paraan.
Hay kagulo ng utak ko. Gusto ko sila maghiwalay pero ayokong masaktan ang babae. Pero iniisip ko na sana maghiwalay na sila at kami na lang. Gulong gulo na talaga ako. Kasalanan ng puso ko ito eh. Sa babaeng may boyfriend pa siya tumibok. Sa babaeng walang pakialam sa paligid basta kasama nito ang kasintahan. I know she is decent woman. And that's the reason why mas lalo ako naiinlove. Heto na naman ako.
Tinawagan ko ang pinsan kong si Jupiter at Stephen na pumunta ng Bar ko mamayang gabi. Gusto ko uminom. Gusto kong may karamay sa kagaguhan ko. Hindi naman ako magkukwento sa kanila gusto ko lang may kasama uminom.
"Anong meron at nagyaya kang uminom mamaya?"sabi agad ni Jupiter ng tinawagan ko siya.
"Nagyaya lang ako uminom. Walang okasyon o kahit ano. Gusto ko lang magyaya. Hindi ka ba busy?"
"Of course, I'm busy looking for a woman. Storbo ka!"sabay tawa pa nito.
"Tsk! Tatawagin ko si Stephen para may kasama tayo."sabi ko naman.
"Si Andrew pa tawagin mo. Para mas marami kaming babatok sa'yo mamaya!"
"Busy yun."
"Ano na lang kami hindi busy? Gagong 'to!"
Tumawa na lang ako. "Sige na tatawagan ko na silang dalawa. Nandito din yata si Waylen. Gagong yun di sinasagot tawag ko. Kaya inutusan ko pa si grandma na tawagan siya para lang sabihin na tawagan niya ako. Ayon takot kay grandma ang Gago."tumatawa ko pang sabi.
"Gago pati si Lola, inistorbo mo. Inutusan mo pa! Lola's boy ka talaga. Isip bata! Tsk!"inis nitong sabi sa'kin.
"Paano hindi sinasagot ang mga tawag ko. Buti sana kung hindi importante ang sasabihin ko. Siraulo! Busy din ako pero alam ko lang talaga i-manage ang oras ko. Tamad lang kayo sumagot sa mga tawag ko. Kapag babae yan wala pang second sagot agad! Very selective kayo ng sinasagot na tawag!"sabi ko naman.
"Oo na! Buwesit ka kailangan ba magdrama ka na naman! Paawa effect at over dramatic! Para kang babae tangina!"
Humalakhak na naman ako. High blood masyado ang gagong 'to!
"Sige na bye na!"Sabi ko. Inuhan pa ako nagpatay ng tawag. Nailing na lang talaga Ako.
Sinunod ko naman na tinawagan si Stephen at Andrew. Nag try akong tawagan si Waylen pero hindi sinasagot ng Gago ang tawag ko. Kaya nag message na lang ako sa kaniya. Alam kong nandito ito sa Singapore.
****
Alas siyete palang nasa bar na ako. Private and for elite lang ang bar ko dito sa Marina bay sand. Meron naman branch nito sa orchard pero mas gusto ko dito sa main branch. Mas calm ang mga tao hindi maingay na gaya sa ibang branch ng bar ko.
Hindi ko sigurado kung darating sila. Kasi wala namang nag-confirm ni-isa sa kanila. Hinayaan ko na lang sila. Nakakamiss lang kasi ang bondingan naming magpipinsan. Ngayon puro busy nalang silang lahat sa trabaho. Nakalimutan na yata nilang mag unwind paminsan minsan.
May opisina ako dito sa bar na ito. Dahil tamad akong mag check ng benta at gastos ng bar ko. Nahiga na lang muna ako sa sofa at nagmuni muni. Ang boring ng mag-isa sa mundo. Kelan kaya ako magkakaroon din ng babaeng mamahalin? Kahit anong pilit ko talagang ibaling sa iba ang pagmamahal ko sa babaeng iyon. Hindi talaga kaya ng puso ko. Si Leila parin talaga ang sumisiksik sa isipan ko.
Paano kapag engaged na sila. Paano kung may plano na ang mga itong ikasal. Paano na ako? Hanggang pangarap ko na lang ba siya? Dahil wala naman ibang gusto ang puso ko kundi siya lang talaga. Naiinis na din ako sa sarili ko. Magpapacheck up na kaya ako baka may saltik na ang puso ko. Hindi marunong magmahal ng madami. Ang babaeng iyon na ang ginagawang mundo ng puso ko.
"Hayzt!"inis akong bumangon sa sofa. Napahilamos ako ng mukha. Tumingin ako sa orasan "Alas nuwebe na ng gabi?"bulalas ko pa.
Tumingin siya sa cellphone niya. Wala man lang Isa sa kanila ang nag message o tumawag sa akin. Nailing siya. Kahit sila ayaw na din sa kaboringan ko sa buhay. Madaldal naman ako at very active pagdating sa lahat ng oras. Always on the go kapag tinatawagan nila ako. Bakit ako hindi man lang nila ako mapagbigyan.
Hindi naman sa nagtatampo ako. Mas priority lang siguro nila ang business kesa sa akin. Hindi ko kailangan ikompara ang sarili ko sa kanila. Tumayo na ako at lumabas ng opisina ko.
Nagulat pa ako ng may sumuntok sa akin sa braso. Yung isa sa tiyan ko likod at tagiliran. Hindi naman malalakas ang mga iyon pero masakit parin naman.
"Tangina!"sabi ko na lang.
Natatawa naman sila sabay kutos sakin ni Waylen. Kahit kailan talaga ang gagong ito.
"Gago ka! Sakit nun ah!"reklamo ko.
"Langya, nag-aya ka ng inuman wala ka naman dito."sabi naman ni Stephen.
"Nasaan pala ako kung wala ako dito?"tanong ko pa. Nagkatawanan sila sa tanong ko.
"And besides, wala kayong tawag o reply man lang. Malay ko bang pupunta kayo dito."sabi ko.
"Para ka kasing babae na gusto mo ng long chat at tawagan. Nakikipagkwentuhan ka sa tawag na akala mo yung mga iniistorbo walang ginagawa. O, kaya'y walang trabaho. Baka nag imot ka na naman Gago!"sita sakin ni Jupiter.
"Pati ako dinamay niyo pa!"Sabi naman ni Andrew.
Tumawa na lang Ako. Salamat naman at dumating sila. Hindi na ako mapo-frustrate sa sarili ko dahil may kasama na ako ngayon. I need this kahit ngayon lang. Pumunta na kaming private room at doon nag inuman.
Hanggang hating gabi kami natapos. Ang kagandahan ay parang mas marami kaming kwentuhan at asaran kesa sa inuman. May mga secret din ang bawat Isa na nasabi nila. Ako naman ay chill lang dahil wala naman akong maishare na problema sa pagibig. Myths palang yung sakin. Gaya ng sabi ni Nainai imaginary girlfriend ang meron sa'kin.
Nang nagsawa na sa kwentuhan ay inubos na muna namin ang mga alak na order namin bago kami nag uwian na sa kanya-kanyang condo. Oo hindi libre ang alak dito kahit sakin pa itong bar na 'to.