11 Gummy Candy

1782 Words
Gummies Candy "Explore a delightful assortment of gummies. My forever favorite Candy, soft and chewy gummies Candy, that satisfied my tooth to bite it. A Gummy Candy lover!" Nagse-search ako ng ibang wine para sa bar ko dito sa Singapore while eating gummies. Napatigil ako ng may biglang dumaan sa isipan ko. Yung ngiti ng babae na papansin sa Ikea last two weeks na. Hindi ko pa nasimulan na hanapin si Miss dedma. Waiting ka lang mahahanap din kita. For now kasi busy pa ako sa mga trabaho ko. Dahil din sa'yo ang dahilan. Nagpakatamad ako at nagpakaboring ng buhay. Ngayon naman nagpapakasipag na ako at masaya. Napatigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang tumatawag napangiti ako ng ang Lola ko sa Pinas ang tumatawag. Kaya agad ko iyon sinagot. "Hello grandma Wass up!"biro ko. Parang barkada lang na may pa Wass up pa. Natawa naman si Lola sa kabilang linya. "When you coming back in the Philippines Apo?"tanong ni grandma. "And how are you now? Mukhang masaya na ang Apo ko."sabi pa nito. "Lagi naman akong masaya grandma basta kausap ko ang Mahal ko sa buhay."pinadrama ko pa talaga ang boses ko. "Hindi ka lang maingay Apo, madrama ka pa!"natatawang sabi ni grandma. Tumawa na lang din ako. "Napatawag po kayo grandma?"tanong ko. "Yun nga tinatanong kita kelan ka uuwing Pilipinas?" "I'm not sure grandma. Inaatupag ko pa kasi ang mga business kong naghihingalo na. Wala na nga akong oras mambabae eh."natatawa kong biro. "At kelan ka pa nagka-oras sa pambababae aber? Kahit ang tumingin ng ide-date mo wala kang oras mambabae pa kaya?!"sabi naman ni Lola. "Si grandma talaga. Mag-wait lang po kayo. Naka-reserve na ako ng babaeng para sa'kin."biro ko. "Diyos kong bata ka! Mamaya magkakabaog na ang puso mo!" "Ha? What? Pati ba puso nababaog na din grandma?"seryoso kong tanong. Hindi maaari ito kailangan ko ng gumawa ng paraan para mapasaakin na ang babaeng the love of my life. "Ang sabi ko batugan yang puso mo magmahal! Tumitibok pero hindi marunong makaramdam ng pagmamahal sa Isang babae. Mababaog ka kapag pinanatili mong malambot ang patola mo. Hindi na yan masarap!" Humalakhak ako sa sinabi ni Lola. Iiling iling ako na natatawa. Grabe talaga minsan bunganga ni grandma eh. Kapag marinig siya ni Lolo sisitahin na naman niya ito. But, grandma has a lot to say. Matatalo parin si Lolo. "Grabe ka naman grandma. Tumawag ka lang ba sa akin para laitin ang pagkatao ko?" "Hindi panlalait iyon, nagsasabi lang ako ng totoo. Alam mo Apo, ang mga mamatanda parang mga bata lang din yan. Hindi marunong magsinungaling nagsasabi din kami ng totoo at hindi nanlalait. Kung kalait-lait ka ay natural pupunahin talaga ng tao yan hindi lang ako."sabi pa ni grandma. "Pero totoo ba yang sinasabi mo grandma. Mababaog ako?"na takot ako bigla. I'm just 27 turn 28 mas matanda lang si Stephen sakin ng isang taon. Nakapa ko bigla ang p*********i ko. Hindi naman marshmallow ang patola ah. Normal parin naman ang tigas nito. Pinapa-exercise ko naman ito araw-araw para hindi malumpo pagdating ng panahon. "Some says there is side effects of being virgin for a long time. But also have a benefits of virgin people."sabi ni grandma. "And what are those side effects grandma?"tanong ko kung pwede naman ako mag search sa internet. "Nagtanong ako sa doctor ng pamilya natin at sabi niya. Maapektuhan ang mental health mo. Hihina ang utak mo sa pagresolba sa mga problema mo. Or even how you making decisions in your life. Stress and frustration, specially your confidence is affected. And so on."sabi ni Lola. "Those are the side effects grandma? Mabuti at wala kang sinabi na mababaog ako grandma. Thanks God! And the good effects is?"tanong ko pa. "But the benefits is also good because no s€x- no pressure. Makakaiwas ka pa sa mga sakit na gaya ng Sexually transmitted decease or Sexually transmitted infection. Mabuti at hindi ka malibog apo. Atsaka Iwas stress, hindi ka makakabuntis ng kung sino-sino lang. Less pressure and so on."dagdag pa ni Lola. "So hindi ako mababaog grandma?"pang uulit na tanong ko pa. "Wala naman tayong lahing may baog di ba? Bakit ka takot na takot diyan? Baog ka ba?!" "Hell no grandma! No, I am not. I'm fresh and also my egg is fresh as hell. You scared me to death, you know."bulalas ko. "You're overreacting as ever."sagot naman ni grandma. "Tinatanong ng pinsan mo kelan ka uuwing Pilipinas. Hindi mo daw kasi siya pinapansin. Nag-iimagine ka na naman siguro ng imaginary girlfriend mo. Kaya hindi ka na naman na mamansin!" "Grabe ka grandma sa'kin. Aayosin ko lang ang schedule ko for this month. Dahil bibisita parin naman ako diyan grandma don't worry. I miss you."lambing ko pa. "Okay, magpapaluto Ako ng mga peborit mong ulam. Sige na ingat kayo diyan lagi Apo. Bye." "Bye-bye grandma. Love you."napangiti ako ng nag iloveyou din ito sa akin. Next time sa magiging Asawa ko na Ako magsasabi ng iloveyou hindi na lang kina grandparents and parents. Tinuon ko na ang sarili sa ginagawa. Dahil mag stalk na ako kay dedma pagkatapos ko ang ginagawa ko. I smirk. ***** Leila pov Sa ilang taon ko ng pagtatrabaho dito sa Singapore. Masasabi kong I love Singapore now. Kapag malaki ang sahod ko na at makakapag ipon pa ako ng kunti. Dadalhin ko sila Mama at Papa dito kasama ang dalawa kong kapatid. Gusto ko kahit papano na makapagrelax din sila at makapasyal sa ibang Lugar at bansa. Kailangan ko na sigurong magtipid dahil nagshe-share naman kami sa gastusin dito sa apartment ng boyfriend ko. Lalo na sa bayad ng kuryente, Renta, tubig at gas. Kaya mediyo nakakatipid ako. Isama pa ang pang araw-araw naming pagkain. Pero minsan magastos din talaga pero tyaga lang talaga at diskarte ang kailangan. Mabilis na ang mga kilos ko dahil ibang branch ako papasok ngayon. Dala-dala ko na ang gummies candy ko. My all time favorite sweet candy. Kahit saan ako magpunta kasa-kasama ko ang gummy candy ko. Stress reliever ko kasi ang gummy candy. Pagpasok ko sa department sumaya ang pakiramdam ko ng may mga Pilipino akong katrabaho sa branch na iyon mukhang mababait naman sila dahil nakangiti na agad sila sakin. Pero sabi nga ng Papa ko wag na wag akong magtitiwala sa ibang tao. Kahit pa kababayan ko pa ang mga ito. Dahil balang araw sila din maniniwala sa'yo sa bandang huli. Na-experience na kasi iyan ni Papa noong binata pa daw ito. Nag abroad siya sa Saudi, siniraan siya ng kapwa katrabaho at napatalsik at napauwi ng Pilipinas ng wala sa oras. Kaya kailangan na mag-iingat din ako dito. Maraming mababait na kababayan naman na na-encounter ko na dito. Meron din yung mediyo mayabang at mapagmata. Pero dedma na lang umiwas na lang habang maaga pa. "Hi!"bati ko sa kanila. Mediyo nahiya pa ako kasi bago lang Ako sa branch na ito. "Hi! Filipina ka?"tanong ng Isa. "Ah Yes."sagot ko agad. "Bago ka lang dito?" "Hindi dito lang ako nailipat na branch. Sa orchardgateway ako pumapasok. Ewan ko bakit dito ako nilipat."sagot ko. Nature na talaga ng kababayan natin ang matanong. Kaya sinasagot ko naman ang mga tanong nila not all nga lang. At hindi ko pa sila gaano kakilala. Kailangan ko parin na maging private and not talk too much about my personal life. Okay lang din naman dito pero mas gusto ko parin sa dating pinapasukan ko. Sana doon parin ako. Hindi kami sabay kumain ngayon ng boyfriend ko. Kaya dahil mag-isa lang naman ako sa Old Chang Kee ako kumain. Parang sa street food sa Pilipinas gaya ng mga kikiam, fishball, meatball etc. Bumili ako ng fishball, nuggets, at dumplings. At yung spring roll at curry puff. Naghanap ako ng mauupuan at dun ko kakainin ang mga pinamili kong pagkain. 30 minutes naman ang break time ko kaya mauubos kong lahat ito. Buti nadala ko ang water bottle ko. Habang kumakain Ako ay kausap ko ang boyfriend ko sa cellphone. Tinatanong ano kinakain ko ngayon lunch. Napa-roll eyes ako. Hindi naman ako palaging kumakain ng mga ganito. Makasita wagas. "Uncle, ngayon lang ulit ako kumain ng mga ganito. Namiss ko lang kainin kaya naisipan kong bumili."sagot ko. "Kahit na!" "Masyado kang healthy freak! Minsan lang sa isang linggo ako kumakain ng mga ganito. And you know that."sagot ko. Gigil kong nginunguya ang fishball na kinakain ko sa mga sinasabi nito. Hindi ako nakikinig sa sinasabi nito. "Naririnig mo ba ako Lei? Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Maka- Lei wagas. Naiintindihan ko naman ito. Maselan ang tiyan nito sa mga pagkain. Hirap din siya mag digest ng pagkain sa tiyan. Ilang beses na itong naospital dahil sa mga pagkain na nagpatrigger sa tiyan nito. Kaya ngayon nandito na ito sa Singapore maingat na ito sa mga kinakain. "Opo. Tapos na akong kumain. Kumain kana ba diyan?"tanong ko. "Hindi pa busy pa ako. Sumaglit lang ako na tawagan ka para i-check kung kumakain kana. Kumain ka nga pero hindi naman pang lunch ang kinakain mo. Nagdagdag ka na naman ng dumi sa katawan mo!" "Grabe ka makasabi ng dumi yung mga kinakain ko. Sabi nga nila walang bawal na pagkain basta wag lang araw arawin. Huwag madami ang kinakain dapat moderately lang ang lahat."ayoko talagang magpatalo sa boyfriend basta pagdating sa pagkain. "At yung gummy candy mo, please lang wag kang everyday kumakain ng matatamis. Kahit pa pakunti kunti pa yun. Kapag naipon lahat ng iyon diabetes ang bagsak mo." Pati ba naman sa favorite candy ko pinapakialan niya palagi. Tag Isa lang naman kada araw, minsan dalawa gano'n. Alam ko naman na hindi talaga yun healthy pero favorite ko eh. At alam ko naman ibalance yung kinakain ko. "Oo na. Sige na sunduin mo ako mamaya ha."sabi ko na para makaiwas na sa topic na ito. "Yes just wait me outside the mall. See you later hon. Love you." "Love you too."sagot ko agad. Bago nag end ang tawag. Tinapos ko na ang kinakain ko. Dahil malapit na matapos ang break time ko. Nag message ako kay Elle kung matutuloy ito sa pag abroad. May offer kasi ako sa kaniya kung gusto din niya mag-abroad. Pag iisipan pa daw nito. Ang tagal kasi mag isip eh, si bakla na kung saan-saan napapadpad dati. Ngayon maganda na ang trabaho dito sa Singapore. Baklang iyon nauna pa sakin dito. Aksidente kasing nagkita kami dito. Ang balak niya daw ay isurprise ako pero sa kasamaang palad nagkita kami ng hindi sinasadya sa Isang Mall, para nagpadala ng pera sa remittance. Sinabunotan ko talaga siya. Akala ng mga tao nag aaway kami. Bawal pala yung gano'n dito baka mapauwi kami ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD