Chicken Curry Puff
"Curry Puff is without doubt one of our favorite snack. A combination of potatoes chicken curry filling, wrapped in buttery pastry! A delicious and very tasty pastry that will bring more enjoyable to eat."
Kumakain ako ng gummy candy ng tawagin ako ni Nainai. Nandito kami ng ilang sa mga pinsan ko sa bahay nila grandma including Stephen.
"Yes Nainai!"malakas niyang sagot.
"Let's go to Ikea in Tampines."sabi ni grandma.
Bakit ako na naman ang isasama niya kung meron naman ang iba ko pang pinsan.
"Bakit ako ang isasama mo na naman Nainai. I'm busy eating gummies."simangot kong sagot.
"At tinatanggihan mo na ang Lola mo."napa-roll eyes ako. Magda-drama na naman ang grandma ko.
"Si Stephen dapat Nainai ang isama mo sa Mall. Para naman kahit papano lumaki ang longganisa niya ng hindi puro nakaupo lang sa opisina ang inaatupag. Puro na lang trabaho baka nga nakalimutan ka na niya Nainai eh."pasaring ko kay Stephen.
"What is longganisa bro?"tanong ng Isa naming pinsan.
"Yung maliit niyang p***s. Liliit pa yan kapag nakaupo siya palagi sa opisina niya. Walang masustansya na kinakain araw-araw."sagot ko.
Humalakhak sila sa sinabi ko.
"Loko kang bata ka!"iiling iling na sabi ni grandma. Pero tumatawa din naman ang grandma ko. Masaya sa pakiramdam na napapatawa ko ang mga grandparents ko.
"Siraulo ka!"sikmat ni Stephen.
"Sumama na kayong lahat ng hindi na naman magreklamo ang loko-lokong bata na ito."dagdag pa ni grandma.
"Alam mo naman na dumaan lang ako dito grandma para mabisita ka namin. May pasok pa ako sa trabaho ko Nainai."agad na sabi nila.
Kaya ang ending kami ni Stephen at Isa ko pang pinsan ang sumama kay grandma. Ano na naman kaya ang bibilhin nito sa Ikea.
Ako na ang nag-drive ng sasakyan. Sumunod na lang sa amin ang bodyguard ni grandma. Bongga may pa bodyguard pa talaga kami sa isip-isip ko. For our safety daw na kahit safe naman dito ay hindi parin talaga maiiwasan ang mga masasamang tao.
"Yung love of your life na babae bro nahanap mo na?"tanong ng pinsan ko.
"Wala pa. Nakita ko na siya kaso hindi pa ako nakakasimula tinaguan na ako. Kapag makita ko ulit siya itatali ko na sa halaman na tanim ni Nainai."biro ko.
Tumawa naman sila at masaya din ako na kahit papano nakakatawa na din ang broken hearted kong pinsan.
"Kahit kailan ka talagang bata ka!"sabay hampas sakin ni Nainai. Natatawa lang din naman ako sa biro ko.
"Si Tita Selva, mahilig magreto ng mga babae sa mga anak niyang lalaki. Mabuti na lang si Mommy hindi siya gano'n baka araw-araw din akong maiinis at stress."sabi ko pa out of the topic.
"Hindi ko nga alam bakit gano'n ang anak kong iyon. Pakialamera sa lahat. Hinahayaan ko na lang kapag sinasagot siya ng Mommy mo. Pareho silang palaban at na-stress ako sa mga Mommy niyo."bulalas ni Nainai.
"Ang importante Nainai, close kaming mga Apo mo. Mas ma-stress ka kapag hindi kami magkakasundo lahat Nainai."sabi ko pa.
"Agree. My Mom never do that to us. Only Tita Selva, that's why our brother Stephen and Brother Stevan very stress to their mom."
"Naiisip mo na ba na uuwing Amerika Stephen Apo?"tanong ni Nainai.
"No grandma. I just ignore her as much as possible po. Minsan sinasabi ko na lang na wala ako sa opisina. Para hindi na siya pumunta doon na may dalang babae."nahimigan ko ang inis sa boses nito.
"That's right. Ignore is the key! Always lock the door because the key is in you. Key for peace of mind. Key for silent environment. Just unlock the door kapag kami na ang papasok sa kaharian mo."bungisngis ko.
"Being alone is better than having an annoying cousins."agad na sagot ni Stephen.
"Who's annoying?"tanong ko.
"Of course is you."sagot ng pinsan ko.
"Annoying is better than boring person. Mapapanis na ang lahat-lahat tunganga parin sa tabi. Tatanda tayong maaga kapag puro tunganga lang sa tabi ang ginagawa."sagot naman agad.
"Ako'y nabibingi na dito. Mas maganda ang may tahimik, may maingay, may pasaway, may mabait at may walang modo na ugali sa magkakapatid o magpipinsan man. Kapag pareho-pareho kayo ng ugali. Sure akong payabangan ang madalas niyong gawin. Mas maingay yun at nakakastress. Ang mahalaga may mabuti kayong mga puso at may takot sa diyos."Sabad ni grandma.
"Yes agree. The best ka talaga Nainai."sabi ko.
"Ang sipsip mo Nat!"sabay pa na sabi ng dalawa kong pinsan.
"Noong bata ako sa chupone at fasifier lang ako sumisipsip. Ng lumaki na ako sa straw na ng soft drinks. Next time akong sisipsip sa magiging Asawa ko someday. But never akong sisipsip kay Nainai para lang maging paborito niya akong apo. Di ba Nainai ko. Love you."lambing ko pa sa grandma ko.
Humagikhik naman na parang bata si grandma. Tuwang tuwa sa mga pinagsasabi ko.
"He is right mga Apo. Lahat kayo peborit ko. Pantay-pantay ang pagmamahal ko sainyong mga apo. Nagpapasama ako sainyo na mag shopping dahil nagiging workaholics na kayong lahat. Hindi niyo man kami nakakalimutan ng grandpa niyo na dalawin sa Bahay. Pero minsan mas gusto ko yung gagala naman tayo paminsan-minsan. Dahil balang araw hindi ko na iyon magagawa dahil sa sobrang katandaan ko na. At Isa pa alam ko at ramdam ko na bawat isa sainyo may mga tinatago din kayong mga problema sa buhay. Dinadaan niyo lang sa pagka-busy sa trabaho."mahabang sabi ni grandma.
"We are here now in Ikea. Hello, Ikea my Nainai so dramatic."bulalas ko ng malakas ng tinigil ko ang sasakyan sa basement parking lot.
"Pasaway ka talagang bata ka! Nakakasira ka ng pag-eemot ko!"kurot ni grandma sa tagiliran ko. Humalakhak lang ako sa pangungurot niya sakin.
"Sakit talaga Ng kurot mo Nainai eh."reklamo ko.
"Buti nga hindi dala ni Nainai ang pamalo niya."nagkatawanan kaming tatlo.
"True. I remember last year when we go shopping again. Pinalo niya tayo dahil maingay tayo sa loob ng restaurant. We did not know na dala pala niya yung pamalo niya."sabi ko.
"I know our grandma hindi niya dinala ngayon ang pamalo niya dahil tatlo lang tayo na kasama ni grandma."sabi naman ni Stephen.
"Malalaki na nga tayo e, namamalo pa talaga si Nainai eh. The good thing is nakakatakbo na tayo ng mabilis kapag mamalo na si Nainai."tumawa kami sa sinabi ng Isa ko pang pinsan.
"Pero wala parin tayo kawala. Yung akala natin nakalimutan na ni Nainai yung hindi niya tayo napalo. Next pasyal natin sa Bahay nila Nainai. Sunod-sunod niya tayong pinalo ng hindi natin namamalayan."pati si Nainai tumawa na din.
"Kalalaki niyo na kasing mga bata kayo. Sobrang iingay niyo sa labas na akala niyo sainyo Ang Mall o restaurant. Akala niyo nasa Bahay lang kayo. Nakaka-storbo kayo sa ibang tao na namamasyal at kumakain."sabi ni Nainai.
Lumabas na kami at agad naman na pinagbuksan ni Stephen ang pinto sa tabi ni Nainai.
May tag-isa kaming trolley na tulak-tulak. Ano na naman kaya ang mga bibilhin ni Nainai na kailangan pa tag-iisa kami ng trolley na tulak-tulak. Dati halos bilhin nito lahat ang laman ng Ikea.
"Nai, anong bibilhin mo na naman?"tanong ko.
"Just walking around and see what we going to buy."sagot ni Nainai.
Nang may nagustuhan akong bilhin ay agad ko iyon kinuha at nilagay sa trolley ko. Gano'n din si Stephen at Andrew. Wala naman imik si Nainai at nagtitingin lang din sa mga gusto nitong bilhin. Pero kaming tatlo lang yata ang namimili at si Nainai ay patingin tingin lang sa mga paninda.
Nalibot na naming lahat ang sulok ng Ikea wala paring nabili si Nainai.
"Tapos na kayong mamili?"tanong niya sakin.
"Yes Nai. How about you Nai? Wala ka bang nagustuhan bilhin?" tanong ni Andrew.
"Nevermind. Importante nag-enjoy kayo sa pagshopping. Mag self checkout na kayo. I'm hungry."sabi pa ni Nainai.
Gusto lang yata ni Nainai na magliwaliw kami at wag lang puro trabaho ang inaatupag. Actually, kunting kunti na lang susuko na ako sa paghahanap sa babaeng iyon. Halos ayoko na ngang umuwi ng Pilipinas dahil nasasaktan ako ng walang dahilan. Sobrang lungkot ang pakiramdam ko kapag umuuwi akong Manila.
Ang buset lang ng puso na ito dahil ang choosy akala mo naman gwapo wala naman mukha. Tumitibok na nga lang hindi pa pumili sa babaeng single. Gusto pa talaga niya ako maging kabet. Putcha naman talaga!
Magkakatabi kami na nagi-scan sa mga pinamili naming tatlo. Si grandma nakahalukipkip lang na nakatingin sa amin. Kay grandma lang din kami natuto mag self checkout ng binili namin. Pinagkukurot niya kami noong hindi namin alam paano simulan magself checkout noon. Kahit may mga ibang tao at sa public pa yun.
'Kaya matutung mag shopping sa mga ganitong lugar para hindi maging ignorante. Wag lang puro iabot ang credit card ayos na.' Sabi pa ni grandma dati.
Kaya ngayon marunong na kami kahit papano. Masakit kaya makurot. Nang matapos na kami mag self checkout ay pumunta na kami sa food court area. Para kumain ng curry puff na favorite naming magpipinsan. Will even our family this curry puff snack is one of their favorite too. But I like Manang Linda Curry Puff version.
"Aha, akala mo Nainai we already forgot how to self checkout huh?"natatawa kong sabi kay grandma.
"No I didn't think about that. I just want you kids to enjoy shopping without thinking anything else. Para mawala kahit papano ang mga nakakapagpalungkot sa mga isipan niyo."malunay nitong sabi sa'min.
Kaya sabay-sabay namin siyang niyakap at binuhat ng bahagyan na ikinatawa ni Nainai.
"Pasaway kayong mga bata kayo. Yakap lang wag niyo na ako buhatin pa."natatawang sabi ni Nainai. Napapangiti din ang ilang mga nagsha-shopping dito habang nakatingin sa gawi namin.
"Tara ng kumain."Yaya ni Andrew.
"I want curry puff."agad na sabi namin ni Stephen. "How about you Nai?"tanong pa nito.
"Same na din sa inyo."Sagot ni Nainai.
Naghanap kami ng mauupuan ng may makita kaming bakante na upuan ay agad kaming nagtungo doon. Nakatayo lang ako at bigla akong napatingin sa dalawang dalaga na nasa harapan lang namin malapit sa lamesa namin. Bahagyan akong napanganga ng mamukhaan ko ang babaeng matagal ko ng hinahanap.
Tumingin ako sa kasama nitong babae. Nakatingin din pala ito sakin at ngumiti ito pero wala akong expression sa mukha. Nakita kong siniko nito ang katabing babae at may binulong. Ng tumingin din sakin ang babaeng matagal ko ng hinahanap ay nagtama ang mga mata namin. Yung puso ko biglang kumabog ang dibdib ko. Nagtatalon talon sa tuwa.
God is this hallucination only? Or it's real she's here? Tulala ko pa sa kawalan para hindi obvious. Nakita ko pang nagsikuhan silang dalawa. Pero yung Isa panay tingin sakin. But siya nakatutok lang sa cellphone niya. She is still a dedma woman.
Tinanggal ko ang suot kong sombrero. At bahagyan kung hinaplos ang buhok ko.
"Hey! We are talking to you Nat!"sabi ni Stephen.
"Ano bang ginagawa mo at may pahaplos haplos ka pang nalalaman diyan sa buhok mo?"usisa din ni Andrew.
"Don't mind me guys. Nagpapagwapo lang ako dito."Sagot ko.
"Inuutusan ka ni Nainai na bumili ng pagkain natin. Hindi ka naman nakikinig kay Nainai."Sabi naman ni Stephen.
"Bakit kasi ako pa! Alam niyo na ngang busy ako nagpapacute dito diba?"sabi ko pero ang paningin ko ay sa babaeng matagal ko ng hinahanap.
"Siraulo ka! Ikaw na ang nakatayo kaya Ikaw ang inuutasan ni grandma."Sabi pa ni Stephen.
"Ang jologs mo magpacute diyan! Nakakadiri ka, kalalaki mong tao nagpapacute ka sa kung sinong nilalang na nakikita mo!"natatawa naman na sabi ni Andrew.
"Dapat nga masaya kayo dahil nagpa-praktis na akong magpacute di ba? Nainai gwapo ba Ako?"pacute ko pang tanong sa grandma namin.
"Hindi! Nandidilim na ang paningin ko sa gutom!"biro ni Nainai. Humalakhak naman ang dalawa kong pinsan. Napangiti na lang din ako.
"Si Nainai talaga mapagbiro. Akala ko pa naman ako ang pinakagwapo mong Apo."akbay ko kay grandma.
Pero paglingon ko sa pwesto ng dalawang babae ay bigla nalang silang nawala. Palinga-linga pa ako sa paligid. Matataranta na sana ako ng maalala ko na madali ko na lang siya mahanap dito sa Singapore.
Naawa siguro sa akin ang diyos. Kaya kahit saglit lang pinagtagpo niya ang landas naming dalawa. Ang nakakakilig pa nagtama ang aming mga mata. Iyon palang masaya na ako.
"Whoaah thank you Lord!"bulalas ko pa sabay taas ang dalawa kong kamay sa ere. Biglang napatingin sa'kin ang mga kasama ko nagtataka sa inasta ko.
"Anong bibilhin kong pagkain natin?"patay malisya kong tanong sa kanila.
"Your so weird bro! You scared me to death!"kunot noo na sabi ni Andrew sakin.
Tumawa lang ako.
"Baka need kana namin ipunta sa mental hospital bro? Mas malala kapa sakin ah? What do think grandma?"tanong pa ni Stephen kay grandma.
"He was just happy and I knew it."sagot lang ni Nainai.
"Kayo kasi palagi ang magkasama Nainai kaya alam mo kung kelan mababaliw ang apo mo at kelan masaya at malungkot ito. Besty kayo di ba?"tanong pa ni Andrew.
Hindi ko naman nahimigan ang selos sa boses nito. Dahil totoo naman na pantay-pantay ang pagmamahal ni grandma sa'ming lahat. Kung ano ireregalo ni Nainai ay lahat kami bibilhan niya. Pareho-pareho pa magkakaiba lang ang kulay. Kaya Mahal na Mahal ko ang Nainai ko. Pati na si grandparents ko sa side mother.
"Aysus apo. Na-sense ko lang. Ganito talaga ang Lola niyo. Ikaw nga alam ko may nililigawan ka pero nalungkot ka dahil nabasted ka eh."tumawa naman kami ni Stephen ng sumimangot ito.
"Nainai naman eh!"maktol nito na parang bata.
"Bumili na kayo ng pagkain kanina ko pa sinasabi ah."pag-iiba na ni grandma ang usapan.
"Okay Nai, let's go Andrew, samahan mo ako."Sabi ko naman.
Tumayo naman ito agad at sabay na kaming pumunta sa machine para mag-order ng pagkain. Kahit yung ganito dati hindi namin alam. Puro lang kasi kami restaurant at order sa online or sa drive thru. Stress sa'min si Nainai, mabuti pa daw ang mga babae niyang apo mas maraming alam kesa sa amin n mga Apo niyang lalaki.
Sobrang hectic na ang lahat. Ang hirap mapagiwanan sa ere.