HANNAH Kahit na masakit para sa akin ang sikretong ibinunyag nito ay hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. Nakaupo lamang ako sa gutter habang hinihintay itong bumalik sa akin. Sinasamahan ko ng dasal na sana'y maging ligtas ito at ang kanyang pamilya. Hindi ko alam, kung bakit nangyayari ito sa akin. Harley was my ideal man. I opened up to him, I told him everything. I shared my pain with him. Ngunit bakit naging ganito? Akala ko'y parang fairytale na ang lahat. Napaiyak ako habang nakaupo sa gutter. Pinipilit ko na maging matatag at pinanghahawakan ang mga salitang sinabi ni Harley. Na mahal niya ako. Na ayaw niyang mawala ako sa kanya. Ganoon rin ako, ayaw ko rin na mawala siya. Subalit biglang tumigil ang aking mundo. Unti-unti akong tumayo habang hindi inaalis ang tingin sa kata

