HANNAH Dahil sa walang matutuluyan ay pinili ko na pag-stay-in muna sila Jen sa hotel na malapit sa ospital. Kahi na nahihirapan ako sa sitwasyon namin ay wala akong karapatan para pigilan ito na bisitahin si Harley. Kasalukuyan na nakahiga si Harley hospital bed at natutulog ito. May bandage ang kahabaan ng kanyang hita at braso dahil sa natamong 2nd degree burn. Hawak ko ang kanyang kamay habang tinititigan ang pagtulog niya. Sila Mama at Tita naman ay umuwi para kumuha ng mga damit at iba pang gamit. Pinunasan ko ang tumakas na luha sa aking mga mata. Hindi ko maiwasan na mag-overthink sa posibleng mangyari sa amin ni Harley ngayong nalaman ko ang itinatago nito. Ano ang gusto niyang gawin ko? Bakit niya ginawang ilihim sa akin ang pamilya nito? Dahil ba takot itong malaman ko iyon?

