HANNAH
Hila ko ang aking kabayo na si Jeprox habang naglalakad ako sa malawak na rancho ni Papa. N'ung unang araw na umuwi ako ay hindi ako iniiwanan ni Mama at si Papa naman ay halos oras-oras akong tine-text habang nasa munisipyo ito. Batid nila ang pinagdaraanan ko dahil kinuwento ko ng buo ang naging paghihiwalay namin ni Apollo.
They didn't blame me nor despised Apollo's ways. All they did was listen.
Pagkatapos ng tatlong araw na pagkulong sa kuwarto ay unti-unti na akong lumabas. Mom bought me a new phone and new sim at tanging si Freya at Adonis lang ang laman ng contacts ko.
Hindi ko pinamigay o itinapon ang luma kong phone, nilagay ko lang iyon sa box at itinago sa drawer. Naroon ang mga litrato ni Apollo na kinuha ko ng hindi nito alam.
"Jeprox, ilang babae na ang nabuntis mo dito sa rancho habang wala ako?" Tanong ko habang naglalakad ito sa aking gilid. "Siguro marami na, kasi ang dami kong nakikitang foal sa pastulan eh."
"Hindi ka sasagutin niyan, miss." Saad ng panlalaking boses.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. The impact of his presence took my breath away. I stared at him. He looks familiar but I can't remember where I met him.
In-anggulo ko ang aking ulo. "Have I met you before?"
"Nope. This is the first time." He said. Pinaloob nito ang mga kamay sa suot na maong bago maglakad palapit sa akin. Ang manggas ng itim na polo nito ay halos humahapit sa kanyang matipunong braso.
Parang gusto ko rin maging butones na yumayakap sa malapad niyang dibdib.
"Eyes are up here, my lady."
Hindi ko namalayan na halos nasa harap ko na siya. Umiling ako upang maalis ang mga di magandang iniisip. "So, bakit ka nakikisawsaw sa usapan namin ni Jeprox?"
"Jeprox?" Kunot-noong tanong nito.
"Yes, he's my horse." Sagot ko at hinaplos ang mukha ng kabayo.
His pinkish lips curved and he laughed. "Where did you get that name? Bata ka ba?"
"That's very offending." Malamig kong saad at nilagpasan na ito. Hindi pa man ako nakakalayo ay humarang na siya sa aking lalakaran kaya ako huminto. "Ano'ng kailangan mo? Wala kaming binebentang yelo. Alis!"
"I'm a buyer. Don't be rude, my lady."
"Ang alam ko, may designated na tao para harapin ang mga buyer."
"But I want you." He said smoothly. Walang preno, mga kaibigan! He's flirting with me.
"Hindi ako kabayo!" Mariin kong saad bago mabilis na sumakay kay Jeprox. "Tumabi ka nga, tapakan pa kita, e!"
Hindi ko na narinig ang huling sinabi nito dahil pinatakbo ko na ng mabilis si Jeprox. Hindi pa nga ako nakaka-move on kay Apollo, e.
Pagkatapos kong ihatid si Jeprox sa stabe ay bumalik na ako sa mansyon. Napansin ko na aligaga si Mama dahil sa dami ng kausap nito sa pacho. Papasok na ako sa bahay para magpalit ng damit nang bigla akong tawagin ni Mama. Sumenyas ito na para bang gusto niya na pumunta ako roon na siya namang sinunod ko.
"Everyone, this is my Hannah. My unica hija." Pakilala sa akin ni Mama.
Binigyan ko ng matamis na ngiti ang tatlong bisita niya. Lahat ng mga ito ay nasa early 40's na at sa tingin ko ay may mga anak na.
"Sila 'yung mga asawa ng mga bagong halal na kapitan, anak." Umupo ako sa tabi ni Mama kasi mukhang matatagalan ako sa usapan na ito. "Si Bien, Porsha, and Romina."
"Hi po." Tipid kong sabi.
Halos ang usapan ng mga ito ay kung ano-ano ang tinapos ng mga anak nila at kung anong negosyo na ang naipatayo nila. Mas gusto ko pang kasama ang kabayo ko kaysa makinig sa mga topics nila. May ilang beses pa na para bang nirereto nila ako sa mga anak nilang lalaki, na para bang aso ang mga ito na ibinibigay sa akin.
Nang sumapit ang dapit-hapon ay unalis na ang mga ito at dumating na si Papa. Pakiramdam ko ay naalis ang tinik sa aking lalamunan.
"Hannah, do you want to come with us tomorrow?" Tanong ni Papa habang kumakain kami ng hapunan.
"Pupunta kami sa bubuksang resort sa Aloguinsan. We're invited to stay for two nights. All accommodation are paid."
Nagliwanag ang aking mukha. "Yes! I want to!"
"Good! We will leave by 7 in the morning. We will ask the maid to wake you up by 5."
"5?! Papa, gabi pa 'yun." Reklamo ko.
"Anak, ang bagal mong gumayak. Halos isang oras kang naliligo." Singit ni Mama habang hinihiwa nito ang gulay sa kanyang plato.
"Para namang akong sundalo dito. Who the hell wakes up at 5? They are psychopaths." Bulong ko.
Kinabukasan ay ilang oras kaming bumiyahe para sa okasyon at hindi naman kami nahuli. Kasama namin si Giaco at ang tatlong bodyguards ni Mama at Papa. Nakikipag-usap ang mga ito sa kakilala at dahil nagsimula akong mamuhay sa Manila n'ung highschool palang ay wala akong masyadong kakilala roon.
"Can I walk around, Mama?" Paalam ko.
Tumango ito. "H'wag mo lang tatakasan si Giaco like you used to."
Nagbuntong hininga ako at tumingala kay Giaco. "Will it be alright if you distance yourself by 3 meters from me?"
Umiling ito. "2 meters, miss. There's a lot of people in the area, I hope you understand."
Wala akong nagawa at nagsimula ng maglakad. Alam kong sumusunod sa akin si Giaco pero gumawa ito ng paraan para hindi ko maramdaman ang presence niya. May iilang magagandang tanawin akong nakikita at kinukuhan iyon ng litrato.
When I zoomed in may nakita akong pamilyar na pigura na nakasandal sa katawan ng niyog. Kahit nakatalikod ay kilala ko kung sino ang nagmamay-ari niyon.
Bumilis ang t***k ng aking puso. It's Apollo.
Tiningnan ko ang kinaroroonan ng tanawin na kinunan at naroon pa rin siya. Nakamasid sa asul na dagat habang nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon.
"Apollo." Mahina kong sambit.
Para bang narinig nito ang aking pagtawag at lumingon siya. Umuhip ang malakas na hangin at ang aking buhok ay marahang sumayaw. Parang hindi ito nagulat na nagkita kaming muli.
Ngunit walang pinagbago ang ekspresyon nito. Binalik niya ang tingin sa dagat at kinalimutan na nakamasid ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at umiling.
"Do you want to go there, miss?" Tanong ni Giaco.
"No." Taas-noo kong sabi. "I don't know that guy."
Tinalikuran ko ito at naglakad na ibang lugar. Nang makalayo ay hinubad ko ang aking sapatos at unti-unting humakbang papunta sa mababaw na parte ng dagat. Parang naramdaman ko na dinala ng alon ang lahat ng pagod at stress ko.
Dahil sa linaw ng tubig ay nakikita ko ang aking mga paa na nababaon sa puting buhangin kaya't natuwa akong maglakad-lakad roon.
"I want to swim."
"Do it, my lady."
I flinched when I heard someone talk behind me. Lumingon ako at tiningnan ito ng masama. "It's you. The one who mistook me for a horse."
"It's a misunderstanding." Tinanggal nito ang sapatos at itinaas ang suot na pantalon bago umayos ng tayo. "May I join you?"
"Hindi ko pag-aari ang dagat. You can go anywhere you want but never cross my no-no square."
"No-no square? Are you a kid or something?!" Natatawa nitong sabi habang unti-unting lumalapit sa akin.
Ipinadyak ko ang aking paa at dahil sa lakas niyo ay nabasa ng tubig ang damit nito. Narinig ko ang mahinang mura nito. "I told you that this is my No-no square."
"Basa na ko eh, ikaw pa ang galit." Naiirita nitong sabi habang isa-isang tinatanggal sa pagkakabutones ang polo nito.
Napalunok ako nang tuluyan niyang mahubad iyon at tumambad sa akin ang magandang katawan nito. Kinailangan kong iiwas ang tingin upang maputol ang mga iniisip ko.
"Who invited you here?"
Isinuklay nito ang kamay sa buhok na parang nasa commercial ito ng pang-guwapong pabango. "Name is Harley."
"Hindi iyan ang tanong ko." Masungit kong sabi at humakbang ng dalawang beses dahil masyado na siyang malapit sa akin.
"My father own this resort. I am Harley Salviejo."
"Ah okay. Bye."
Hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan na umalis. "Nice meeting you, Hannah Ramos."
Laking gulat ko nang hinawakan niya ang aking kamay at dinala niya iyon sa kanyang labi. Agad ko iyong binawi na parang napaso. Saka paano nito nalaman ang pangalan ko? Nilagyan ba ako ni Mama ng name tag sa likod na may kasamang 'when lost, please call this number?'
"Could you please leave me alone?" I demanded.
"I can't. Baka masyado kang lumayo at malunod."
"I have a bodyguard, stupid." I rolled my eyes
"Ang sungit-sungit mo, kaya ka siguro single." Umiiling nitong sabi.
Nainis ako sa sinabi nito kahit totoo. I put my hands on my waist para mapigilan ko ang aking sarili na lunurin ito. "Ah, talagang lang ha. Ganyan ka pala kapag hindi ka type ng kausap mo."
Nilapitan ko ito at dinuro ang kanyang dibdib. "Bakit kaming mga babae ang hinahanap niyo ng mali kapag hindi namin kayo nagugustuhan? Masungit kami kaya single. Clingy kami kaya nasasakal kayo. Ayaw makipagsex kaya hahanap kayo ng iba."
Hindi ito umimik at hinayaan lang akong maglitanya. "Bakit hindi niyo naman alamin kung saan kayo nagkulang? Bakit lagi kaming mga babae ang sinisisi dahil hindi niyo nakukuha ang inyong gusto?"
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili. "Kapag kami ang naghabol sa inyo at hindi niyo kami gusto, sinisi ba namin kayo? Hindi, 'diba?"
"Tinanong ko pa rin sa sarili ko kung saan ako nagkulang." Mabilis kong pinunasan ko ang tumakas na luha sa aking mga mata. "Na kung bakit hindi pwede na ako?! Bakit hindi ako?!"