HANNAH
Nang ihatid ako ni Apollo ay agad rin itong umalis. Walang usapan na namagitan sa aming dalawa at tahimik lang kami sa buong biyahe. Pinanuod ko lamang ang paglayo ng sasakyan nito hanggang sa hindi ko na iyon makita.
Halos naubos na rin ang luha ko sa pag-iyak kanina sa park. Tinawagan ko kaagad si Freya para mailabas ko lahat ng naipon na emosyon sa dibdib ko.
"Tahan na, be." Alo sa akin Freya.
Nakahiga lamang ako sa mga hita nito habang yakap ko ang aking unan. Nakikinig lamang ito sa mga sinasabi ko at paminsan-minsan ay hinahaplos ang aking buhok.
N'ung tinawagan ko kasi siya ay nasa office panito ngunit nang mapansin na umiiyak ako ay agad-agad siyang pumunta sa akin. At dahil mahal na mahal niya ang trabaho niya ay inaalo niya ako habang nakaharap siya sa kanyang laptop.
"Sorry naistorbo kita ngayon." Saad ko sa pagitan ng mga hikbi.
"It's alright. Alam kong kailangan mo ko." Malambing nitong sabi sa akin.
"Gusto ko ng umuwi ng Cebu. Doon nalang ako."
"Doon ka magmu-move on? Pwede naman. Para 'di mo na makita 'yung pagmumukha ng tao na iyon."
"Ang sakit, Freya. Ginawa ko naman lahat para mapasaya siya."
"Bakit mo ginawa ang lahat para mapasaya siya? Clown ka ba?" Biro nito.
"Akala ko kasi maaalis ko si Tallia sa isip niya eh." Napahikbi na naman ako.
"Bakit kasi hindi mo nalang hinayaan na mag-heal muna siya bago mo siniksik ang sarili mo?"
"Tanga nga kasi ako. Hindi ako nag-iisip. Puso lang ang pinagana ko."
Huminga ito ng malalim. "Tama na. Umiiyak ka na naman."
"Am I not enough?"
"You know, don't question your worth. Sapat ka para sa tamang tao."
Napatingin ako sa kanya. Sa ilang taon na pagkakaibigan namin ay n'un ko lang narinig na nagbigay ito ng maayos na love advice. Bumangon ako at kumunot ang noo niya.
"Bakit?"
"We should put that on a t-shirt."
Mahina niya akong binatukan. "Siraulo."
Kinabukasan ay sabay kaming umalis ni Freya papasok sa kanya-kanyang trabaho. Nasa hallway palang ako ay nakasalubong ko na si Apollo.
"G-Good morning, sir." Bati ko ngunit nilagpasan lamang niya ako. He didn't even look at me.
Hindi na ako nagpalamon sa lungkot at ginawa nalang ang trabaho ko. Ibinaba ko ang kape sa mesa ni Sir Zander at iniabot naman niya sa akin ang isa mga close-out reports.
"I can't sign this. It wasn't address to me."
Ni-check ko iyon at nakita ang buong pangalan ni Apollo. "Alright, Sir. I will pass this to his secretary."
"We had a lot of engagement today, can we have an overtime?"
Tumango ako. "Yes, sir. I don't have any plans tonight."
Pagkatapos ng konbersasyon namin ay lumabas na ako sa opisina niya upang ayusin ang documents na kailangan para sa susunod niyang meeting. Naagaw ng puting folder ang atensyon ko, ito ang report na dapat kong ibigay sa secretary ni Apollo.
Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng opisina niya at lumapit sa table ng secretary nito.
"Hi, I need the VP's signature in this corner." Turo ko sa lower right corner. "As soon as possible."
"Okay, miss. I'll inform him right away."
"Uhm, just send me a scanned copy. Thank you." After kong sabihin iyon ay mabilis na akong umalis. Baka kapag narinig ko ang boses nito ay magbago na naman ang t***k ng puso ko.
It was already 9PM nang pauwiin ako ni Sir Zander, kaya na raw nitong tapusin ang natitirang documents. I was at the lobby while waiting for mg ride when I saw Apollo passed by.
Hindi siguro niya ako napansin dahil nakatayo ako malapit sa column ng lobby. Tiningnan ko lang siya habang naglalakad siya palapit sa exit door.
Dahul full height glass ang partition ng lobby ay nakita ko na ang babae na patalon na yunakap sa kanya.
It was Anabel.
"So they hook up, huh." Bulong ko.
Apollo was smiling. Anabel was laughing. They are flirting with each other. It was very painful to watch them.
Huminga ako ng malalim at umiling. "Huli na 'yung kahapon, Hannah."
Sumakay akong muli sa elevator at bumalik sa office. Naabutan ko si Sir Zander na nakatitig sa monitor nito. Tumaas ang tingin niya at kumunot ang kanyang noo.
"Sir, I'm sorry. I just need to talk with you." Magalang kong sabi.
Nagtataka man ay tumango ito. "Alright. Go ahead."
Pinaalam ko sa kanya ang nais kong pagre-resign pati ang dahilan niyon. Hindi ko na kasi kaya na makita at makasama pa si Apollo. Hindi ako galit sa kanya, gusto ko lang na maghilom ako.
Wala akong sama ng loob kay Apollo, kasi alam ko naman na ako talaga ang dapat sisihin. Ako ang kumuha ng bato na ipinukpok sa ulo ko.
Naintindihan ni Sir Zander ang nais ko at katulad ng ibang employer ay nakiusap rin ito at nagbigay ng malaking offer. Pero hindi iyun ang kailangan ko.
I want to heal.
At hindi ko iyon makukuha kung araw-araw kong makikita si Apollo.
Siguradong susundan at susundan ko pa rin siya ng tingin sa oras na dumaan siya sa harapan ko.
Isang buwan akong nagtender, isang buwan rin ako nagtiis at nagtimpi. Lalo na ngayong last day ko at birthday ni Apollo. Sinopresa siya ni Anabel sa opisina. Masaya ang dalawa ngunit hindi nila inamin na nagde-date sila.
They emphasize their friendship pero hindi naniwala ang mga tao. Paulit-ulit pa rin ang mga colleagues namin sa pagtukso sa kanilang dalawa.
Gusto kong lumapit ag batiin ito sa huling pagkakataon pero hindi ako makasingit. Dapat ay maging kuntento nalang ako sa pagmasid mula sa malayo.
"Wait, 'diba ngayon rin ang huling araw mo, miss Hannah?!" Napalakas ang pagkakakasabi ng sekretarya ni Apollo.
Nagkagulo ang lahat at naging sentro ako ng atensyon. Ngiti lang ang sinagot ko sa tanong na kung bakit ako aalis. Tinapunan ko ng tingin si Apollo ngunit parang balewala lang sa kanya na aalis ako.
"Miss Hannah, mamimiss namin ang kakulitan mo sa pantry."
"Buti hindi kita niligawan, Miss Hannah. Ang hirap ng LDR eh."
"All my bags are packed. I'm ready to go. I'm standin' here outside your door. I hate to wake you up to say goodbye." Pag-uumpisa ko ng kanta.
"But the dawn is breakin'. It's early morn. The taxi's waitin'. He's blowin' his horn. Already I'm so lonesome I could die." Dugtong ng ilang colleagues ko habang isinasabay sa beat ang pagpalakpak.
"So kiss me and smile for me. Tell me that you'll wait for me. Hold me like you'll never let me go." Sabay-sabay namin kanta habang itinataas ang hawak na wine glass.
"'Cause I'm leavin' on a jet plane. Don't know when I'll be back again. Oh babe, I hate to go." Kanta ko habang nakatingin kay Apollo. Our eyes met and I just smiled at him.
"There's so many times I've let you down. So many times I've played around. I tell you now, they don't mean a thing." Sabay-sabay na kanta ng mga colleagues ko na para bang nilalamon sila ng bawat lyrics. Bigay na bigay sila na para bang nagi-intermission number kami.
"Every place I go, I'll think of you. Every song I sing, I'll sing for you." Mahina kong kanta. Nag-iwas ng tingin si Apollo at inilipat kay Anabel ang atensyon.
"When I come back, I'll bring your wedding ring." Halos naghiyawan ang mga tao ng kinanta ni Apollo ang sunod na linya habang nakatingin kay Anabel.
Mabuti nalang ay napunta sa kanila ang atensyon ng mga tao dahil hindi nila nakita ang biglang patulo ng luha ko.