Chapter 13

1226 Words
HANNAH Ni isang beses ay hindi ako tinapunan ng tingin ni Apollo ay nanatili lang ang atensyon nito kay Anabel. Hindi ko rin naman alam kung ano 'yung isisingit kong usapan dahil hindi ako pamilyar sa topics nila. "You remembered Asahi, right? The famous curly boy. He married our substitute professor last year. Aren't you invited?" "I am but I had a lot on my plate. I just sent a simple gift." Sagot ni Apollo. Nakasunod lamang ako sa kanila at mahigpit pa ring hawak ang bote ng tubig na binili ko para kay Apollo. Kinagat ko ang ibabang labi nang makitang inilagay nito ang kamay sa bewang ni Anabel habang naglalakad. "Uhm, ano..." Sambit ko. Lumingon sila sa akin at agad kong sinalubong ang titig ni Apollo. Naiirita pa rin ito sa akin. "CR lang ako." "Ah, okay. Pwede na mauna na kami na sumakay ng rides? Doon lang kami sa shuttle." Tanong ni Anabel. "If gusto mo rin sumakay, wait ka nalang namin." Nilipat ko ang tingin kay Apollo. Nagbabaka-sakaling mabasa nito ang ekspresyon ko. Ngunit bigo ako, wala itong pakielam. Para ngang gusto niya talaga akong iwanan. Ngumiti ako. "Sige, una na kayo, takot naman ako sa heights." Sana naman, maging masaya ka na. Hindi ko na pinipilit 'yung gusto ko. "Okay. Wait for us nalang sa exit." Tumango ako at pinanuod ko lang sila na maglakad paalis. Ilang beaes akong lumunok, para pigilan ang nagwawalang damdamin. Matagal akong tumingin sa langit, para lang hindi tumulo ang luha ko. Pero, atleast, suot ni Apollo 'yung bracelet na ginawa ko para sa kanya. Gawa iyon sa maliliit na black beads kaya hindi naman iyon agaw pansin. Alam kong itatapon rin naman niya iyon pagkatapos ng araw na ito, pero masaya na rin ako dahil sinuot niya. Pagkatapos kong umiyak sa CR at magretouch ay pumunta na ako sa rides na sinasabi nila. Sakto na papasakay palang sila roon kaya naabutan ko kung paano siya alalayan ni Apollo. He's hurting me on purpose. "Apollo, pinangako ko naman na huli na 'to. Isang araw lang naman pero bakit hindi mo matiis?" Bulong ko sa aking sarili. Gusto kong sumakay roon habang sinisigaw na mahal ko siya. Pero, nasira ang plano na iyon. Ngunit hindi pa siguro huli ang lahat, marami pa namang exciting na rides. Saka hindi pa naman gabi, marami pa akong oras. At marami pa rin siyang oras para pahirapan ako. Natapos ang rides at masayang bumaba ag dalawa. Habang pababa sila ay napansin ko na wala na ang bracelet na bigay ko kay Apollo. Lumapit ako sa kanila nang nakalabas na sila. "Apollo, I'm so sorry." Hinging paumanin ni Anabel. "It's alright. Hindi naman natin ginusto ang nangyari." Nakangiting saad ni Apollo. "Ano'ng nangyari?" Parang may kutob na ako pero gusto kong makasigurado. Humarap sa akin si Anabel. "Nahatak ko kasi 'yug bracelet niya n'ung pinilit ko na itaas niya rin 'yung kamay niya kanina sa taas." Nanigas ako at tumingin kay Apollo. Alam niyang bigay ko iyon sa kanya. Please, magalit ka para sa akin. Please, Apollo. "It's okay. Hindi naman maiiwasan. Let's just forget about it." Saad niya bago itapon sa basurahan ang mga natitirang beads. Tinapon niya. Tinapon niya habang nakaharap ako. Nakiusap naman ako nang maayos na suotin niya iyon kahit ngayon lang. Tinapon niya na para bang wala itong pakielam sa mararamdaman ko. Tinapon niya habang nakangiti siya. "Apollo, I...." Halos habol ko ang hininga dahil hindi ko alam kung iiyak ba ako or tatakbo nalang. "I.... I made that for you." Napasinghap si Anabel. "Oh, my god. I'm really sorry." "There's no need to apologize, Anabel. Pwede pa namang gumawa ulit si Hannah. It's not that hard, right, Hannah?" Hindi ko na napigilan at bumagsak na ang luha ko. Hindi na kinaya ng will power ko. Gusto kong tumakbo pero ang sakit na ng mga paltos ko. "Apollo, she's crying! Do something!" Halata ang pagka-panic sa boses ni Anabel. "Hannah, I'm really sorry. Hindi ko sinasadya." Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi at yumuko. Mabagal akong naglakad palayo mula sa kanila habang patuloy sa pagbagsak ang mga luha. Hindi ko na kayang magsalita or ngumiti dahil ang sakit-sakit na. Hindi na ri ako umaasang hahabulin pa ako ni Apollo dahil iisipin niya na baka umasa pa ako. Pero ilang beses ko ba sasabihin na huli na 'to. Pinangako ko naman n'ung una palang pero bakit hindi siya nagtiwala? Ganito ba siya kasigurista para tumigil na ako sa paghabol sa kanya? Ang gusto ko lang naman ay maging masaya 'yung huling araw na ito. Nakiusap naman ako ng maayos. Umupo ako sa bench habang pinupunasan ang luha ngunit walang tigil sa pagdaloy iyon. Hanggang sa nakatulala nalang ako sa kawalan, ngunit hindi pa rin ako pinupuntahan ni Apollo. Malamang ay sinamahan ni si Anabel na hanapin ang mga kasama nito bago niya ako puntahan. "Let's go home, I'll give you a ride." Hindi ko kinailangan na tumingala upang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Sit beside me, Apollo. Atleast, let me say good bye." Mahina kong saad at pinadikit ang mga palad. Narinig ko ang buntong-hininga nito ngunit umupo rin siya sa aking tabi. Mahaba ang katahimikan na namayani sa amin bago ako nagsalita. "Nag-enjoy ka ba?" "Yeah. Best day of my life." Walang ganang saad nito. Tumango ako. "Okay, uhm.... gusto mo ng water?" "Kanina pa iyan ah. Bakit hindi mo nalang ininom?" "Baka kasi mauhaw ka anytime kaya hindi ko ininom." Kinuha niya iyon mula sa kamay ko at inilagay sa espasyo sa gilid niya. Tiningan ko lang iyon. He will disregard it again, huh. "Napansin ko na umiika ka kanina, did you hurt your foot?" Tipid akong ngumiti. "Kaninang umaga pa 'to pero napansin mo lang after umalis ni Anabel." "I did not pay attention to you." "Sanay na ko." Saad ko habang nakatingin sa mga paa. "Bukas, 'di na kita pwedeng kausapin?" "Zander's back. My job as the substitute is done. You will no longer my secretary tomorrow." Huminga ako ng malalim. "Sorry sa mga pangungulit ko sa'yo at sa pang-iistorbo. Sorry sa mga oras na hindi ko pinapansin na nai-invade ko na pala 'yung personal space mo." Nilingon ko siya. Wala na akong pakielam kung mugto na ang mga mata ko or kung pangit ako ngayon. This is me, ito 'yung totoong nararamdaman mo. Hindi ako naglalaro lang. Seryoso ako sa kanya. Napansin ko ang paglunok niya at tumingin sa ibang direksyon. Siguro nga ay napangitan siya sa akin kaya hindi niya ako gustong tingnan. "Apollo, you don't deserve to be alone. Alam kong mahal mo siya, pero sana hindi ka mabulag dahil doon. Sana balang-araw ay makita mo na hindi lang siya ang babae na para sa'yo." Litanya ko. "Kasi hindi ka naman mahirap mahalin, sadyang hindi ka lang para sa kanya." "That's enough. Let's end this." Putol nito sa sinasabi ko. Niyakap ko siya at naramdaman ko ang pagkabigla nito. Idinantay ko ang aking pisngi sa balikat nito at pumikit. "Sana kapag nagkita tayo balang-araw ay parehas na tayong masaya." "Alam ko na wala lang sa'yo kung mawawala na ako sa buhay mo, Apollo." Tumakas ang munting luha sa aking mata. "Pero salamat pa rin kasi naging lesson ka sa buhay ko." Lumayo ako sa kanya at binigyan ito ng matamis na ngiti. "Good bye." "Good bye."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD