Chapter 12

1212 Words
HANNAH Mas nauna akong dumating kaysa kay Apollo. 8AM palang ay nandito na ako sa Park at nakabili na rin ng ticket. Nasa harap ako ng mismong gate habang hinihintay na dumating ang sasakyan nito. I tried to call but he's not answering his phone. Nakakailang buntong-hininga na ako dahil dalawang oras na akong naghihintay. Sumilong na ako sa ilalim ng puno dahil naabot na ng init ang kinatatayuan ko roon. Nakayuko ako at pinapanuod ang paglipad ng mga dahon nang may humintong mga paa sa aking harapan. Itinaas ko ang aking ulo at nakita si Apollo. "You're late." Hindi ko naitago ang inis. "Yeah, I got a little lost. Sorry." "You can use the Waze, you know." I whispered. "What do you want? I'm here, am I?" Iritang sabi nito. Palihim akong nagbuntong-hininga at tiningnan ito bago bigyan ng matamis na ngiti. Itatago ko nalang, wala naman siyang pakielam eh. "Tara na sa loob." Yaya ko sa kanya. Inabot ko ang kamay nito ngunit iniwas niya iyon at nagpatiuna. "Huling araw na naman, Apollo. Hindi mo pa ako mapagbigyan." Mapait kong bulong bago sumunod sa kanya. Ni hindi man lang niya tinanong kung okay lang ako at kung hindi ba ako nainip sa paghihintay sa kanya. Ni hindi man lang niya binigyan ng compliment ang pinaghirapan kong ayos ngayon. Sumabay ako sa kanyang paglalakad kahit malalaki ang hakbang nito. Bagong bili ang aking sapatos at nararamdaman ko ang namumuong paltos sa aking paa ngunit hindi ko iyun ininda. "Apollo, ayaw mo ba munang kumain ng almusal? Baka nagugutom ka." Saad ko at pinabayaan niya akong abutin ang braso nito. "Hindi. Kumain na ko kanina sa bahay." Ako, hindi pa. "Ganoon ba, mamaya pa naman magbubukas ang mga rides. Samahan mo muna akong kumain, nagugutom na ako eh." "Okay." Walang-ganang saad nito. Habang naghihintay ng pagkain ay pinilit kong isalba ang conbersasyon namin. Halos tatlong salita lang kasi ang sinasagot nito at lagi akong supalpal. Para bang ayaw niya akong kausap. "Apollo, huling araw na 'to. Baka pwede na, isantabi mo muna 'yung kasungitan mo." Kahit masakit, pinili kong ngumiti. Huminga ito ng malalim. "Ang dami mong demands, Hannah. Gusto mong mag-date, pinagbigyan kita. Gusto mong kumain, sinamahan kita. Mamaya ay papagurin mo ako sa rides, pero wala naman akong magagawa kundi sumunod sa'yo." Bumaba ang tingin ko. "Gusto ko lang na ma-enjoy mo rin 'yung araw na ito." "Ang hirap kasi sa'yo, pinipilit mo lahat ng gusto mo sa akin." This is supposed to be a date. Bakit parang may mali? Pinilit kong tumawa ng mahina at hinawakan ang kamay nito sa ibabaw ng mesa. "'Diba date 'to? Bakit tayo nagsasabihan ng feelings? Okay lang ba na 'wag muna tayo mag-away? Kahit after nalang nito?" "Tutal huli na naman, Apollo. Pangako, huli na." Nakangiti kong sabi. Nagpasalamat nalang ako dahil hindi nanginig ang aking boses habang sinasabi iyon. "Okay." Binawi nito ang kamay at humalukipkip bago tumingin sa labas ng kinakainan namin. After mag-almusal ay naglakad-lakad na muna kami para kapag nag-rides ay hindi ako maduwal. Walang salitang namamagitan sa amin at bumagal na rin ito sa paglalakad. Gusto kong hawakan ang kamay ni Apollo dahil huli na ito, ngunit baka mas mairita siya sa akin kaya 'wag nalang. Tumingin ako sa kaliwa at nagningning ang mata nang makita na bukas na ang carousel. Iyon ay isa sa mga na-enjoy ko n'ung bata palang ako. Pahawak na sana ako sa kamay ni Apollo, buti na lamang ay napigilan ko ang aking sarili. Inabot ko ang dulo ng shirt niya at marahang kinuha ang atensyon nito. Nilingon niya ako at malamig na tiningnan. "Carousel." Saad ko habang nakangiti. "Tsk. Pambata." "Sige na, please?" Hindi na ito umimik at tumango nalang. Sumakay kami roon, pinili nito ang kabayo sa harapan ko at tanging likod lang niya ang nakikita ko. Meron namang bakanteng kabayo sa gilid ko eh, ang arte naman niya. Humawak ako sa pole na nasa aking harapan at pinagpantasyahan nalang ang likod nito. Ano ba 'yan, likod palang ulam na. Kinuha ko ang aking cellphone at patagong pinicturan ang   Perpektong likod nito hanggang sa kanyang pang-upo. This will be my souvenir. Hindi ko naramdaman na tumigil ang ride dahil nakatingin lang ako kay Apollo sa buong durasyon. Hindi ko na nga rin namalayan na nakaharap na ito sa akin. "May sanib ka na naman. Nakangiti ka sa kawalan." Napailing ako. "Wala akong ginagawang masama." Kumunot ang noo nito. "Bumaba ka na dyan. Gusto kong maupo dahil hilo na ko." Pumwesto kami sa pinakamalapit na bench at pabagsak na umupo roon si Apollo habang nakapikit. Ibinuka nito ang mga hita at ipinatong ang magkabilang siko roon habang sapo ng palad nito ang kanyang mukha. "Ibibili kita ng tubig, sandali lang." Nag-aalala kong sabi bago humanap ng malapit na store na nag-o-offer ng tubig. May kalayuan ang nakitang stall kaya dali-dali akong nagtanong kung may tubig sila. "50 pesos po, miss." "50?! 15 pesos lang 'to sa labas ah." Gulat kong sabi. "Laki naman ng patong niyo, kuya. Sinawsaw ba ni Jesus 'yung paa niya dito kaya ang mahal?" "Miss, bibili ka or hindi?" "Bibili po. Nagreklamo lang po, sorry." "Bibilin naman pala, eh." Masungit nitong sabi. Pagkakuha ko n'ung tubig ay bumalik na ako kaagad kay Apollo. Medyo umiika na ako dahil humapdi na 'yung paltos ko sa paa. Pero hindi pa tapos ang araw na ito kaya lalaban pa ko. Kaunti nalang ang layo ng kinaroonan ni Apollo sa akin, ngunit unti-unti akong napahinto. Bumagsak ang aking balikat nang makitang may kausap itong babae habang nakangiti. He never smile to me like that. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang mahigpit na hawak ang tubig. Unti-unti ay naririnig ko ang masayang pag-uusap nila. "It's nice to see you here! It's been a vey long time." Saad ng babae haban hinahawakan ang braso ni Apollo. "Same here. I think the last time we met was masters." "Yeah! Hindi ka naman masyadong active sa social media unlike your friends kaya wala akong balita sa'yo." Natatawang sabi ng babae. "I never thought na dito tayo magmi-meet, hindi ka naman mahilig sa amusement parks." "Uhm, Apollo." Tawag ko sa kanya upang makuha ang atensyon nito. Nilingon niya ako. Nakita ko ang pagkakaiba ng tingin niya sa akin kumpara sa tingin niya sa babae kanina. Inabot ko ang tubig sa kanya ngunit hindi niya iyon kinuha. "No, I'm fine already." Sagot nito. Lumipat ang tingin ko sa babae at nginitian ito. "Hi, I'm Hannah and you are?" "H-Hi, uhm, I'm Anabel. I'm sorry, I disturbed your date—" "It's fine, we're not dating." Putol ni Apollo na siyang ikinagulat ko. "Really? She's not your girlfriend?" Hindi makapaniwalang saad ni Anabel. "No. Nagpasama lang siya sa akin na magpunta dito. She's my brother's bestfriend." Apollo, why are you doing this? "So, you don't mind if I join? Sandali lang naman, hanggang sa makita ko lag 'yung mga kasama ko." Hinawakan ko ang braso ni Apollo ngunit iniiwas niya iyon. Sobrang wasak na wasak na ako ngayon araw. I think, mas masakit ito kumpara sa mga ginagawa sa akin noon ni Apollo. Sa mga oras na ito, hindi ko na kayang itago ng ngiti ang nararamdaman. Masyado na atang masakit, kaya sumuko na rin ang pagiging optimistic ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD