HANNAH
Tinitigan ko ito. Limang araw nalang ang natitira pero ganito pa rin ang ekspresyon nito sa tuwing nakikita ako. Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango. Umalis ito sa aking tabi matapos isara ang pintuan. Nanatili lang ako roon ng ilang minuto habang nakayuko.
God, please don't let him be lonely when I'm gone.
"Hannah, how long are you gonna stand there?"
I raised my head and gave me the sweetest smile. "Eto na, masyado kang uhaw sa atensyon ko ha."
Pagkatapos ng buong maghapon ay isunot kong muli ang damit ko n'ung pinuntahan ko siya. Habang nagbibihis ay niyakap ko ang hinubad na kasuotan, I want to cry. I am so sad that I will have to let him go after five days. Hindi ko na pwedeng ituloy ang laban na ito, dahil pinagtitiisan lang naman ni Apollo ang kakulitan ko.
Napakislot ako dahil sa katok mula sa pintuan. "Why are you taking so long? 'Wag mong pag-intersan 'yung mga boxers ko dyan, ha!"
Hindi ko napigilan ang pagtawa. "Hindi! Inaamoy ko lang!"
Lumabas ako ng kuwarto at kumapit sa kanyang braso. Hindi ito nakatingin sa akin at pansin ko sa ekspresyon nito na bored na siya. "Tumawag na ako ng taxi para ihatid ka."
"Hindi mo ko ihahatid?"
"Hindi." Tumingin ito sa pambisig na relo. "Go home, it's getting late."
Bumitaw ako sa kanyang braso at hinarap ito. "I only 5 days, Apollo."
"Not my problem."
"Can we date again tomorrow?"
"You want me to take a leave tomorrow para maka-date ka?" Hindi makapaniwalang saad nito.
Tumango ako. "For the last time."
"No."
"Then I request for an extension. Another week." Ano ba, Hannah. Manhid ka na ata.
Nang-uuyam itong tumawa. "Are you being serious?"
Ilang beses akong lumunok upang pgilan ang luhang nagbabadya sa akin harapan. "Just one more date and it will be the last time, Apollo."
Huminga ito ng malalim. "Fine. No more chances after that, Hannah."
Mabigat man sa loob ay tumango ako. "I won't come... close to you after five days. Deal is a deal."
"Saan tayo bukas?"
"Sa Amusement park sa Laguna. 9AM. I will buy the tickets."
"Alright." Nauna na itong maglakad at binuksan ang front door bago tumingin sa akin. "Then I'll see you tomorrow."
Hindi niya talaga ako ihahatid?
Tumigil ako nang makarating sa pagitan ng hamba bago lumingon muli kay Apollo. Nilapitan ko ito at hinawakan ang kamay niya. Inilagay ko roon ang inihanda kong simpleng regalo to celebrate our first date.
"Sana makita ko itong suot mo bukas."
"I don't like jewelries." He said coldly.
I giggled. "You hate a lot of things, Apollo."
"I hate everything you do." Hindi ko inintindi ang sinabi nito.
"Rosaryo 'yan, para wala kang sapi bukas." Biro ko bago tuluyang lumabas ng condo niya. Ang matamis na ngiti na pinakita ko sa kanya ay unti-unting nawala habang papalayo sa unit nito. At nang makasakay sa elevator ay tuluyan ng tumulo ang aking luha.
Limang araw nalang pero wala akong nakitang pag-asa.
Limang araw nalang, magpapaalam na ako sa kanya.
Limang araw nalang, hindi ko na siya kukulitin.
Limang araw nalang, pero hindi ko pa rin lubos na matanggap na pinili niyang mapag-isa kahit nandito ako. Ngunit ginusto ko ito, ginusto kong mahalin ang lalaki na may ibang minamahal.
Sumakay ako sa taxi at itinuro ang daan pauwi sa apartment ko. Nang makalabas sa taxi ay napansin ko ang Civic na nakahinto sa harap ng aking apartment. Lumabas ang driver nito at nagningning ang aking mata nang makilala iyon.
"Adonis!" Dali-dali akong tumakbo at patalon na yumakap sa kanya.
"I'm here to check kung nakauwi ka na bago mag-oras de peligro."
Naghiwalay kami ng kaunti. "Hindi naman ako papayagan ni Apollo na mag-stay doon ng buong araw."
"Hm, who knows."
"Hindi nga niya matiis na magkasama kami ng kalahating araw eh."
He sighed and cupped my cheeks. "Freya called me."
Napanguso ako. "Pinagchismisan niyo ako 'no?"
"Sinabi lang niya sa akin ang mga kaharutan mo."
"Hindi 'to harot, seryoso ako." Lumayo ako sa kanya at hinawakan ang braso nito. Inakay ko siya papasok sa aking apartment at pinaupo sa sofa. "Gusto mo ng coffee?"
"Hindi. Gusto ko ng detalye."
"Napakaseryoso naman nito. Kaunting chill lang po, sir." Natatawa kong sabi at umupo sa tabi nito.
He held my hand. "Hannah, I know you're keeping it all inside, again. You can take off that mask and show me what you really feel right now."
I smiled. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Masaya ako no."
"Pero kuntento ka ba?" Hindi ako nakaimik.
"Adonis.." I whispered.
Hinila nito ang aking batok at isinandal ang pisngi ko sa dibdib nito. Pinigilan ko na lumbas ang lahat ngunit ang comfort mula sa kanya ang siyang naging dahilan kung bakit parang sirang dam na bumuhos ang aking luha.
"It's okay. Crying is normal."
Humikbi ako. "I am sincere with my feelings. Hindi ako naglalaro lang."
"Akala ko kasi, magiging okay ang lahat." Saad ko sa pagitan ng pag-iyak. "Nararamdaman ko kasi, palapit na siya. Hindi ko alam, pero sa tuwing nagiging maayos ang lahat bigla nalang niya akong tinataboy."
Halos nasabi ko ang lahat kay Adonis, lahat ng nararamdaman ko para sa kuya niya. Tahimik lang naman ito na tinatapik ang aking likod habang nakikinig sa akin. His hands cupped my cheeks and wiped the tears on it.
"Gusto mo maghukay na ko ng six feet?"
Bahagya akong natawa. "Linya ko 'yan 'nung sinaktan ka ni Eliza eh. Copycat."
"Sorry, hindi ko alam kung paano ka patatawanin."
"Luh, baka in love ka na sa akin, ha." Biro ko.
"Don't worry, 'di ako pumapatol sa kapwa ko animal."
Hinampas ko ito sa braso. "Sobra ka na, ha! Kaya nanay mo nalang ang tunay na nagmamahal sa'yo eh."
"Alam mo, buti nalang hindi kita niligawan noon."
"Bakit? Kasi pangit ako umiyak?"
"Bukod d'on." Kinurot ko ang braso nito at mahina itong nag-aray. "Kasi, walang magco-comfort sa'yo ngayon. Si Freya, laging busy 'yun. 'Auditing Firm first before anything else' 'yun eh. Wala ka namang ibang kasundo kundi kaming dalawa lang."
"Thank you sa pagpapagaan ng loob ko, Adonis." Niyakap ko ito. "Alam mo, kaunting muscles nalang ay kamukha ka na ng kuya mo."
"Huwag mo kaming ikumpara, hindi ako nagpapaiyak ng babae." Naiinis na sabi nito.
"At hindi rin siya nahulog sa kanal habang nakikipag-agawan ng PS4 sa akin."
"Siguro dapat kong iuntog ang ulo mo sa pinakamalapit na pader, para makalimutan mo na rin pati iyun."
Natawa ako nang maalala ang mga panahon na iyon noong college kami. "Muntik ko ng tawagin si Aling Vicky!"
Halos hindi ko ma-deliver ng tama ang linya ko na iyon dahil nauuna ang pagtawa ko. Hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari na iyon kay Adonis. Buti na lamang at malapit lang ang unit niya sa campus pero medyo nag-aalangan pa 'yung guard kung papapasukin ba siya or bubuhusan muna ng tubig bago papasukin sa loob.
Hindi na naghapunan sa apartment ko si Adonis at umuwi na ito. Nag-promise siya na maga-out of town kami bago ito pumunta sa Canada para sa Business training nito. Hindi ko rin binaggit sa kanya na may date kami bukas ni Apollo upang hindi na ito masyadong mag-alala.
Pagkatapos kong kumain ay humiga na ako sa kama na para bang pagod na pagod sa araw na ito. Nakatingin lamang ako sa kisame habang iniisip ang mga maaari kong gawin bukas.
I felt my phone vibrated and I pick it up from the bedside table. It was from Freya.
From Freya:
Adonis sent me a photo of your crying face. I can't stop laughing while in the meeting. Anyway, I hope everything went well with you and his dear brother. I do not wish to see you crying but, f**k, it was hilarious.
Pasensya ka na ha. God bless. Good night.
Pinagti-trip-an talaga ako n'ung mga gago na 'to.