HANNAH
Nasa tapat ako ng apartment ni Apollo. Inayos ko muna ang aking sarili bago pindutin ang doorbell nito. Pagkatapos ay nagtago ako sa may gilid ng pinto para hindi niya ako makita sa peephole. Ilang segundo lang ay nagbukas na iyon.
"Apollo!" Tumalon ako at ipinalupot ang mga braso sa kanyang leeg.
"You're too early!"
"Hindi mo man lang ako papapasukin muna?"
"Hindi mo muna ba ako bibitawan? Nasasakal na ako." Malamig niyang sabi.
Lumayo ako sa kanya at pumasok sa condo nito. Umupo ako sa sofa at ngumisi sa kanya. "May movie tickets akong binili."
Pumasok ito sa kwarto at binuksan ko muna ang telebisyon para aliwin ang aking sarili habang hinihintay siyang magbihis. Lumingon ako nang marinig na bumukas ng pinto.
Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang suot niya. Boxer and t-shirt? Wtf! "Bakit ganyan lang ang suot mo?"
"Dito nalang tayo." Tumabi siya sa akin at kinuha sa mga kamay ko ang remote.
"Eh! Nag-ayos pa man din ako tapos hindi 'to matutuloy? Apollo naman!" Tumayo ako sa harap niya. "Ang sakit-sakit na nga ng paa ko sa heels na ito, hindi mo man lang na-appreciate."
"Remove your shoes." Walang ganang sabi niya.
"Hmp!" Mangiyak-ngiyak akong bumalik sa pagkakaupo at tinanggal ang hook ng sapatos ko.
"Dalian mo. Madudumihan ang sahig ko."
"Pasalamat ka talaga, mahal kita." Bulong ko habang masama ang loob na hinuhubad ang sapatos.
Nagulat ako sa sunod na ginawa niya, kinuha niya ang mga paa ko at ipinatong sa kanyang kandungan. Halos mapaungol ako nang maramdamang minamasahe ng mainit niyang palad ang aking paa.
"Dito nalang tayo. May movies din ako na pwede nating panuorin."
Ngumiti ako ng matamis. "Kahit saan pa ako mapunta basta kasama kita, masaya na ako "
Tumayo siya at pumasok sa kwarto. Ilang sandali lang ay bumalik na siya at iniabot sa aking ang isag damit.
"Magbihis ka muna. Alam kong nahihirapan kang kumilos sa damit mo." Turo niya sa dress ko.
"Susuotin ko ang damit mo?"
"Ayaw mo?"
Kinuha ko iyon mula sa kanya bago pa magbago ang isip nito. Niyakap ko iyon. "Gustong-gusto!"
Pumasok ako sa kwarto para doon magbihis. Natawa ako sa nakatatak sa tshirt. 'Just do me.'
Umabot ang tshirt hanggang sa kalahati ng hita ko kaya okay lang na hindi ako mag short. Lumabas na ako at tumabi kay Apollo. Inilagay ko ulit sa kanyang kandungan ang aking mga paa ngunit tinaliman niya ako ng tingin.
"Ano 'to?" Tanong niya.
"Massage mo ulit. Masakit pa." Pa-cute kong sabi.
"Kahuhugas ko lang ng kamay, tigilan mo ako."
"Hindi naman mabaho ang paa ko, a. Ni wala ngang kalyo ang sakong ko."
"Nahihirapan akong kumilos, ang bigat kasi ng hita mo."
"Grabe ka!"
Kumunot ang noo nito nang pinagmasdan ako. "Hindi mo sinuot ang short na binigay ko?"
"Hindi. Mahaba naman 'yung shirt, eh."
"Are you— god! Hannah, don't you have any self-awareness?"
"Ano'ng problema? Naka-boyleg short naman ako ng itim oh." I lift the shirt a little to show him the black boyleg.
He groaned in frustrations. "Isuot mo 'yung short or papaalisin kita. Choose."
Ngumuso ako at tumayo upang pumunta muli sa kwarto nito. "Isusuot na po."
Pagbalik ko ay walang pinagbago ang pwesto nito. Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa at niyakap ang aking binti. Humikab ako. "Sayang 'yung movie tickets. Hindi ako nakatulog ng maayos."
"Walang nagtatanong."
Pinalo ko ang kanyang braso sa inis. "Ang sama ng ugali mo."
Hindi namin napakinabangan 'yung tickets ko kaya bilang ganti ay ako ang nasunod sa movie marathon namin. Lahat ng pinapanuod namin ay puro gawa ng Disney. Hindi naman ito nagreklamo kaya't tinuloy-tuloy ko lang.
Kinalabit ko ito. "Gawa kang popcorn, please?"
"What flavor?"
"Cheese."
Nagbuntong-hininga ito bago tumayo at pumunta sa kusina. Ilang minuto lang ay nasamyo ko na ang mabangong amoy ng lutong popcorn. Bumalik ito sa living room at ibinaba sa center table ang bowl of popcorn.
Umusog ako palapit sa kanya at itinaas ang braso nito bago sumiksik sa kanyang tagliran. "I'm cold."
Muli itong nagbuntong-hininga at hinyaan ako na nakasandal sa kanya. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay kaharap ko na si Apollo na ngayon ay payapa ring natutulog sa aking tabi. Mabuti nalang ay may kalakihan ang sofa at nagkasya kaming dalawa. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha at napangiti sa kawalan.
I really love this man.
Hindi mo ako mahal ngayon, pero pasasaan ba't magiging akin ka rin.
"Apollo.." Hinaplos ko ang kanyang pisngi at kaunting pinisil iyon.
"Hm."
I traced the beautiful line of his nose. "Nagugutom ako."
"Magluto ka. Inaantok ako."
"Tinatamad ako."
"Mamatay ka sa gutom."
Mabigat man sa aking loob pero tumayo na ako. Kahit naman minsan lang ito mangyari sa buong buhay ko, hindi ko pa rin kayang tiisin ang isinisigaw ng aking sikmura.
Pumunta ako sa kusina niya at kinuha ang lahat ng ingredients na gagamitin ko. Binuksan ko ang cabinet sa baba. "Nasaan 'yung asin?"
"Nasa pangalawang cabinet sa taas."
Napalingon ako sa nagsalita. Tumaas ang isang kilay ko. "Akala ko ba inaantok ka pa."
"Mahirap na, baka hindi ka marunong magluto, masusunog mo ang kusina ko." Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay sa lababo. Halos mahipnotismo ako sa titig niya. "You're a walking disaster."
"And you're a walking temptation."
He chuckled. "You're crazy."
"Ang sarap mo palang katabi, no? Bukod sa hindi ako nilamig, ang bango-bango mo pa."
"Ikaw din naman, a." Napasinghap ako nang lumapit ang mukha ni Apollo sa akin. "Amoy.. tinapa."
"Oy, nagpa-hot oil pa ako bago magpunta dito no. Sama mo." Humarap na ako sa aking hinihiwang bawang. "Ngudngod ko 'yang nguso mo sa nguso ko, e."
Hinawakan ni Apollo ang aking baba at iniharap sa kanya ang aking mukha. "You're all talk."
Napalunok ako at bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. I unconsciously licked my lower lip. Papikit na sana ako para salubungin ang kanyang labi nang tumunog ang doorbell ni Apollo. Umalis siya at ako naman ay ipinagpatuloy ang paghihiwa.
Ilang minuto mula nung umalis ito ay narinig ko ang pamilyar na boses na papalapit sa kusina.
"Bakit mo ba ako pinapaalis, Kuya?" Wait. Boses iyon ni Adonis. Humarap ako nang marinig ang boses nito sa aking likuran. "Sino ba ang kasama mo— Hannah!"
"Adonis!"
"You're here! What— Why— Ho— Damn! You're wearing my Kuya's favorite shirt!" Sabi niya sabay turo sa tshirt na suot ko. "May nangyari na sa inyo?"
"Wala!" Sagot ko.
"Really?! Don't lie!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Adonis.
Umiling ako. "Pinahiram lang niya sa akin ito."
"f**k this!" Humarap si Adonis sa kapatid niya. Matalim ang kanyang titig. "You better not, Kuya. I will burn everything you own, so you better not!"
Iyon lang ang sinabi si Adonis at umalis na ito. Hinabol ko siya ngunit pinigilan ako ni Apollo bago pa man ako makalabas ng condo.
"Hindi ka maaaring lumabas na ganyan ang suot mo." Saad nito habang hawak ang aking balikat.
"Wala naman tayong ginagawang masama." Mahina kong sabi.
He smirked. "Talagang wala akong gagawing masama, pero ikaw ang walang kasiguraduhan."
Bago ko pa man ito mahampas sa balikat ay hinuli na nito ang aking kamay. Bahagyansiyang yumuko at inilapit ang mukha sa akin.
"5 days left, my dear Hannah. I repeat, 5 days is all you got." He said.
My smile instantly fade away.