HANNAH Pagkatapos ng isang taon na relasyon namin ni Apollo ay pinili nito na manirahan sa Cebu upang mas mapalapit sa akin. Hindi na katulad dati ang kanyang ugali, mas naging maalaga ito sa akin. Kahit ang sarili niyang ina ay nagulat sa pagbabago ni Apollo. Pero sa totoo lang, hindi naman siya nagbago. Sadyang si Tallia lang ang main focus niya dati. Malamang ay ganito rin siya kalambing kay Tallia noon. "Bakit ka nakasimangot?" Tanong niya habang sakay kami ni Jeprox at nakaupo ako sa unahan niya. "Wala, may naalala lang ako." "Are you cheating on me?" "N-No. Don't be ridiculous." "You stuttered." I looked back at him. "I did not." Apollo c****d a brow. "Now, you're lying to me." Inihinto ni Apollo si Jeprox sa bungad ng kakahuyan at walang hirap na bumaba. Nagbuntong-hininga

