HANNAH Pagkatapos naming umuwi from our honeymoon at bumalik na si Apollo sa Luzon para asikasuhin ang naiwang trabaho. Samantalang ako naman ay itinuloy ang pamamalakad ng rancho. Gusto ko sanang sumama sa kanya ngunit hindi ko pwedeng iwanan ang mga tauhan namin lalo na't ngayong may kumakalat na virus sa mga baboy. Mas kailangan ng suporta ng mga tao dito sa amin. "Good morning, Miss Hannah." Bati sa akin ni Miss Payne, isa sa mga beterenaryo namin. "Natapos na natin i-record 'yung health n'ung mga inahin?" Saad ko habang pinatitigil si Jeprox sa paglalakad. Tumango ito. "Opo, Miss Hannah. Si Rose naman po ay nasa kambingan." "Sige, Miss Payne, salamat sa tulong niyo. Doon na muna ako sa kamalig, titingnan ko kung maayos na nasalansan ang mga palay." Pagkatapos kong sabihin iyon ay

