HANNAH Kasalukuyan akong nakatambay sa gazebo upang sumimoy ng malamig na hangin. Lumubog na ang araw at tapos na rin ang hapunan kaya't naisipan ko na magmuni-muni muna rito. Kasabay namin na mag-dinner si Papa at Apollo dahil dumating ang dalawang tauhan na tinawag ni Papa para pumalit sa kanila sa piggery. Panlimang araw na ni Apollo ngayon sa hacienda at ang madalas niyang ginawa ay ang pag-aalaga ng mga kulig at pagpaligo ng mga kabayo sa kwadra. Isang araw nalang ay babalik na ito sa Luzon. "Aren't you cold?" Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "No. I'm fine." "A penny for your thoughts?" "A penny? Sign a cheque." I chuckled. He laughed. "Easy." Hinarap ko ito at sumandal sa balustre ng gazebo. "May tanong ako, Apollo." "I'm ready." "Kail

