HANNAH Apat na buwan na ang lumipas simula n'ung umalis sa hacienda ni Apollo. Ngunit hindi roon naputol ang komunikasyon namin. Paminsan-minsan ay nag-te-text ito sa akin at nagpapadala ng mga rosas sa bahay. Approve na rin sila Mama at Papa kay Apollo dahil sa tiyaga nito sa akin. Tinupad nito ang sinabi na handa siyang maghintay para sa akin. Inaya ko sila Mama na kumain sa labas para naman maiba ang hangin na nasasamyo namin. Dahil kasi sa pagiging abala namin ni Papa sa hacienda ay hindi na kami umaalis ng bahay. "I'll have the roasted beef and mashed potato." Sabi ni Mama habang tinuturo ang in-order sa menu. "Pesto pasta and salad lang ang sa akin." Saad ko habang bino-browse ang menu. "Ako, akaroa salmon, shakshouka, and roast chicken." Wow, 'pa, hindi tayo diet ngayon ah. "H

