HANNAH Lumabas na ako sa room ni Harley at naabutan si Apollo na nakasandal sa pader sa harap niyon. Nang makita ako ay umayos siya ng tayo at lumapit sa akin. I rested my cheeks on his chest and he wrapped his arms around me. "You're drained. Ihahatid na kita sa inyo." Tumango ako. "Hindi ako umuwi kagabi, I'm sure they are pissed." "That's alright. I'm insured." Natatawa nitong sabi. Buong biyahe ay nakatulala lamang ako sa labas ng bintana ng kotse nito. Hinayaan niya ako magkaroon muna ng space. Nakarating kami sa gate ng bahay. Binaba ko ang salamin ng kotse upang malaman ng kasambahay na ako ang sakay ng kotse. Nang mabuksan ang gate ay pinasok na ni Apollo ang kanyang sasakyan at inihinto sa tapat ng entrance door namin. Lumabas si Mama at Papa, magkahawak ito ng kamay. Bumaba

