Charito's POV you will be mine, cherie... Paulit-ulit niyang naririnig iyon habang naglalakad sila ni Ethan patungo sa cafeteria ng Westwood. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya na parang anumang oras ay tatalon na palabas. Para ring mga mga paro-parong naglilipara sa loob ng kanyang sikmura. Hindi niya ata kakayaning kumain ng kahit ano. Lahat nang nadaraannan nila ay nakatingin sa kanila ni Ethan. May mga matang naiinggit ngunit meron ring mga kinikilig. Napayuko na lang siya sa lahat ng iyon. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng mga ito, nahihiya siya. Hangga't maaari sana ay ayaw niyang maging bulgar ang pakikipaglapit sa kanya ni Ethan. Natatakot kasi siya. Hindi naman siya ganoon kainosente. Alam niya naman na hindi siya seseryosohin ni Ethan, alam niya na anumang saglit ay

