Charito's POV Nauna pang nagising ang Lola niya kaysa sa alarm clock. Ginising na rin siya nito. May dala itong tiapay at kape. Pinag-almusal muna siya ng Lola niya bago siya pinaligo. Hindi siya nagmamadali dahil maaga pa naman. Kaya naman nagulat na lang siya ng bumalandra na sa pintuan ng barracks nila si Honoracio bandang alas kuwatro ng madaling araw. Nakabihis a rin ito. Suo nito ang isang puting sweatshirt at bonnet na itim. "Ambagal mo, Miss Alvarez." Nakabungisngis ito na parang bata habang nakasandal ang kanang balikat sa hamba ng pintuan nila. Inirapan niya si Honoracio. "Natulog ka ba naman talaga ha? Nakakagulat naman na napakaaga mo naman atang nagising." "Natulog agad ako pag-akyat ko sa itaas. Nagbilin rin ako kay Manang Jesusa na gisingin ako kapag nagising na siya. Al

