Charito's POV Pagkatapos ng tanghalian ay saglit lang silang nagpahinga. May activity silang gagawin at ang daming umungol ng malaman ng mga ito na kailangan nilang hanapin ang mga halaman na nasa bond paper na ibinigay sa kanila. Kailangan nilang malaman kung ano ang texture ng mga ito. With pair ang paghahanap at sa loob lang ng perimeter na ibinigaya sa kanila. Ka-partner niya si Shanon. "I thought it's only just a camping trip, you know, bon fire, kuwentuhan etc." Bumuntong hininga ito. "I didn't expect na may mga ganito pang activities," nakalabing reklamo nito. Napangiti na lang siya sa hinaing nito. Hindi na siya nagkomento dahil kabaliktaran nito enjoy na enjoy siya. "Sumama lang naman ako dahil sumama si Ethan Sandoval pero kainis lang dahil meron an siyang apple of the eye,"

