Charito's POV Nag-stay na muna siay sa canteen at hindi na pumasok sa last period niya kahit aabot pa siya. Hinintay niya na lang na mag-bell saka nagtungo sa parking. Doon niya hinintay si Honoracio. Nauna na siya sa kotse nito. Kinakabahan siya at hindi mapakali. Para siyang batang takot na mabuko sa kasalanang nagawa. Alam niyang magagalit sa kanya si Honoracio kapag nalaman nito na nakipagbalikan siya kay Ethan, at hindi lang yon. Pumayag siyang balikan si Ethan kahit pa may fiancee ito. "Pinuntahan kita sa room mo pero di ka raw pumasok?" nakakunot ang noo na tanong sa kanya ni Honoracio. Pinigil niya ang sarili na iiwas ang mga mata rito. "G-Galing ako sa clinic..." aniya. Abo't abot ang dagundong ng puso niya. She hated herself for lying to the man who always there for her.Pe

