Charito's POV "Babe." nakangiting anito kay Ethan na ikinakunot ng noo niya. Lalo na ng bawiin ni Ethan ang braso nito sa baba para iakbay iyon sa balikat nito. Napaling ang mga mata niya sa babae, maganda ito, napakakinis ng kutis, may mahaba at alon-alon itong buhok, maliit at hugis puso ang mukha ng babae, napakaganda nito, mukha itong manika, ang mga mata ay kagaya ng kay Honoracio. Sa suot at kutis nito alam niya na hindi basta basta ang pamilyang pinagmulan nito. Parang nais niyang manliit. Mukhang ni hindi siya napansin ng babae. Bakit nga nama mapapansin g kagaya nito ang katulad niya. Mukhang siyang basahan kung ikukumpara dito. "S-Sino siya?" hinidi niya napigilang itanong. Nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi ng tumaas ang kilay sa kanya ng babae, tila ngayon lang siya

