"Sure ka ayos ka na?" Marahang tumango si Charito at tinanggap ang mineral bottle na iniabot sa kanya ni Melody. Iniwan siya nito kanina saglit para bumili ng maiinom niya dahil nahihirapan na siyang huminga dahil sa pag-iyak. Lahat ng sakit nanarraamdaman niya ay iniiyak niya rito. Hindi sila nag-uusap. Hindi niya rin kasi kayang magkuwento ng kahihiyang mga pinaggagawa niya. Siguro dahil natatakot siyang maging ito ay husgahan siya. Iyon ang huling nanaisin niyang mangyari. Nais niya ito sa tabi niya bilang si Melody ang babaeng naging kaibigan niya rito sa Westwood. "I-I'm sorry..." nakayukong hinging paumanhin niya. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Melody. Ginagap naman ni Melody ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad nito. Nang tumingala siya rito nakita niyan

