Charito's POV PINIGIL niya na ang sariling muling gumawa ang katangahan. Ayaw na niya ulit maulit ang pagkapahiyang naranasan niya dahil sa padalos-dalos na mga desisyon. Hindi na siya papayag. Kaya naman ginawa niya ang nararapat. Umakto na hindi kilala si Ethan. Kapag nakakasalubong niya ito kahit hindi nito kasama si Kassandra yumuyuko na siya at hindi na pilit hinuhuli nag mga mata nito. Kahit pa miss na miss niya na si Ethan. Kahit pa mas gusto niya itong dambahin kapag nakikita niya ito. Lihim niya na lang itong tinititigan mula sa malayo. Pinipilit pagkasyahin ang sarili sa mga nakaw na sulyap sa binata. Kagaya ngayon. Nasa gym sila para ayusan ang stage dahil kasali siya sa drama club. May practice naman ng basketball si Ethan. Team captain ito ng basketball team. Kasali rin so

