"IPAGDASAL mong walang mangyaring masama kay Charito at sa bata dahil ipinapangako ko kahit babae ka papatulan kita," mariin at gigil na banta niya kay Kassandra na sumunod pa talaag sa kanyang hanggang dito sa Hospital. Marahas na binitawan niya ito na muntik na nitong ikawala ng panimbang kung hindi lang ito napakapi sa dingding. "You f*****g asshole! Dapat lang na mamatay na silang pareho--" Galit na inambaa niya ito ng sampal pero napigilan niya ang kanyang sarili. "Ethan!" sigaw nang kanyang mommy na humahangos na lumapit sa kinaroroonan nila ni Kassandra. Humarang ito sa pagitan nila ng dalaga. "What are you thinking? Bakit mo sinasaktan si Kassandra?" Tinignan niya lang ang ina saka muiling ibinalik ang mga mata kay Kassandra a ngayon ay naluluha na. Tumalikod lang siya. Mayam

