Ethan's POV "YOU okay?" tanong ng ka-teammmate niya. Pinalis niya ang kamay nito sa balikat niya at pinahid ang dugo sa kanayng labi habang ang mga mata'y nakasunod ng tingin sa papaalis na si Honoracio. "Ethan!" Humahangos na lumapit sa kanya si Kassandra nakasalubong pa nito si Honoracio. Akmang hahawakan nito ang mukha niya nang tapikin niya ang kamay nito. Nakita niya ang bumadhang sakit sa mukha nito pero wala siyang pakialam ang siip niya'y na kay Charito. Ayos naman sila nang maghiwalay sila kagabi kaya bakit kung umakto si Honoravio ay parang may hindi magandang nangyari kay Charito? Binundol ng kaba ang kanyang dibdib. "Ethan, saan ka pupunta?" tanong ni Kassandra ng bitbitin niya ang gym bag niya at dirediretsong tinungo ang nilabas ni Honoraccio. "Ethan!" Humabol pa rin ito

