Charito's POV "PAHINGA na po kayo," niya sa lola niya at inagaw rito ag pagpupunas ng plato. Ginabi na siya kaya hindi niya na tulungan ang lola niya sa pag-aasikaso sa hapunan. Wala pa rin si Honoracio, na ikinapagpasalamat niya. Idinahilan niya na lang na may mga project pa siyang tinapos sa school. Patapos na siya sa kanyang ginagawa ng dumating sa kusina si Mr. De'Marco. "Bring me coffee in my office," utos ni Mr. De'Marco nang makita siya nitong naglilinis sa island counter. Nagulat man siya sa biglang pagsulpot ng amo ay mabilis siyang tumalima. Ipinagtimpla niya ito ng kape bago unakyat patungo sa third floor kung nasaan ang library na nagsisilbing opisina nito. Katulad nang madalas niyang madatnan ito y busy sa kung anog papel na pinag-aaralan nito. Pumasok sioya at nilapag ni

