CHAPTER 1
“STELLA’S POV”
Maghahating gabi na ng makarating ng hotel nya si stella sa new york “ good evening ma’am me I help you? “ tanong ng receptionist kay stella pagkalapit nya dito “ good evening I have a reservation “ sagot ni stella “ me I know your name ma’am?” agad na tanong ng receptionist “ cristella Wilson “ sagot ni stella. at agad na tiningnan ng receptionist ang computer nya na nasa harapan lang nya para tingnan ang mga pangalan ng mga guest ng hotel nila na naka reserve ilang saglit lang ay iniabot na nito ang isang susi ng hotel room kay stella “ito po ang susi ng room nyo ma’am ang room number nyo po ay 308 sa 3rd floor have a nice stay ma’am “ sabi ng receptionist at iniabot kay stella ang isang susi sa’ka ngumiti “ thank you “ sagot ni stella at agad na kinuha ang susi at naglakad na palapit sa elevator para mag tungo sa kwarto nya at makapag pahinga habang naglalakad ay may biglang bumangga sa kanya na isang lalaki at dahil do’n nabitawan nya ang bit-bit n’yang gamit pati ang isang bag na nasa balikat nya”I’m sorry “ paghinge ng paumanhin ng lalaki kay stella “it’s ok “ sagot ni stella at agad na pinulot ang mga gamit nya na nalaglag sa sahig saglit n’yang binitawan ang malita nya para pulitin ang mga gamit nya hinde nya namalayan na habang abala sya sa pag pulot ng gamit nya ay may dalawang batang lumapit sa kanya at tinulak ng tinulak ang malita nya hanggang sa gumulong ito palayo sa kanya ng matapos nya pulutin ang gamit nya sa sahig ay nagulat sya ng hinde na nya makita ang malita nya wala na ito sa tabi nya kong saan nya ito binitawan agad naman nya itong hinanap sa ‘di kalayuan ay nakita nya ang isang malaking malita na kulay grey “ there you are” mahinang sabi ni stella sa’ka hinila ang malita papasok ng elevator.
OLIVER’S POV
maghahating gabi na ng matapos makipag meeting si oliver sa mga bagong business partners nya sa new york agad na itong nagtungo sa hotel na isa sa pagmamay-ari ng matalik nyang kaibigan na si jasper upang doon mag pahinga kasama ang kanyang tatlong bodyguards at kanang kamay na si stephen. pagkapasok nila ng hotel ay agad silang nakilala ng receptionist at ng iba pang empleyado ng hotel “ good evening sir” agad na sabi ng receptionist sa’ ka ito yumoko upang mag bigay galang kay oliver “nandito ba si jasper” agad na tanong ni oliver na hinde manlang ngumingiti o bumabati “ yes sir” agad na sagot ng receptionist “ sandali Lang sir tatawagan ko” agad na sabi ng receptionist “ no it’s fine, ako nalang ang tatawag sa kanya” agad na sabi ni oliver na may pagka masungit ngunit ng kapain nya ang kanyang bulsa ay wala ang cellphone nya“stephen!!” tawag ni oliver kay stephen “yes sir” agad na sagot ni stephen “naiwan ko ang phone ko sa sasakyan kunin mo.” utos ni oliver “ yes sir “ sagot ni stephen at agad na binitawan ang hawak na malita at Dali-daling pumunta ng parking lot kong saan nakaparada ang sasakyan ni oliver para kunin ang cellphone nito. pagkatapos ay agad na itong bumalik habang naglalakad sya pabalik ay may nakita s’yang dalawang bata na pinaglalaruan ang isang malita sinasakyan at pinapagulong-gulong ito ng dalawang bata ng titigan nya ang malita ay agad nya itong nakilala ito ang malita ng boss nyang si oliver agad nya itong nilapitan “hey kids! hinde ‘yan laruan akin ‘yan akina ‘yan!” galit na sabi ni stephen at agad na hinila ang malita wala ng nagawa pa ang dalawang bata dahil natakot narin ang mga ito kay stephen, pagdating ni stephen sa reception area ay nakita nya agad si oliver naka upo sa isang mahabang sofa ‘di kalayuan sa elevator naka sandal ang ulo nito at naka pikit ang mga mata halata sa mukha nito ang pagod dahil sa dami ng ginawa at pinuntahan nila boung araw. agad na nya itong nilapitan “ sir, ito na po ang cellphone nyo” sabi ni stephen sabay abot ng cellphone kay oliver agad naman dumilat si oliver at kinuha ang cellphone kay stephen sa’ka tinawagan ang kaibigang si jasper. si stephen naman ay nilapitan ang tatlong bodyguards na kasama nila na noon ay nasa gilid lang ni oliver “ anong ginawa nyo?!” galit na tanong ni stephen sa tatlo na ikinagulat ng mga ito” sir? “ takot na tanong ng isa sa mga bodyguards “ang sabi ko bantayan nyo si sir at ang gamit nya! anong ginawa nyo?!” galit parin na sabi ni stephen. agad naman nag panic ang tatlo at hinde nakasagot agad “ alam nyo ba kong nasaan ang malita ni sir?” galit parin na sabi ni stephen “ I’m sorry sir hinde ko nakita akala ko kasi dinala mo. “ sagot din ng isa sa mga bodyguards bahagyang natawa si stephen sa’ka tiningnan ng masama ang tatlo “akala mo dinala ko? sa tingin mo tanga ako? mukha ba akong tanga? bakit ko dadalhin ‘yan?” galit parin na sabi ni stephen na lalong ikinakaba ng tatlo “ I’m sorry sir hinde na mauulit” sagot ng isa pang bodyguard “ dapat Lang dahil kapag nangyari pa ito ulit alam nyo na ang mangyayari sa inyo “ sabi ni stephen na may pagbabanta na lalong ikinatakot ng tatlo “ what’s going on?” takang tanong ni oliver ng makita si stephen na pinapagalitan ang tatlo n’yang bodyguards agad naman nilingon ni stephen si oliver na noon ay nakatingin na sa kanila at nag tataka. “nothing sir, pinapaalala ko Lang sa kanila ang dapat nilang gawin “ agad na sagot ni stephen “ ok that’s enough let’s go” sabi ni oliver at agad ng tumalikod at nag lakad palapit sa elevator. bago tuluyang umalis ay nilingon muna ulit ni stephen ang tatlo at nag salita “ ito na ang huling beses na mangyayari ito or else alam nyo na ang mangyayari sa inyo kilala natin lahat si sir hinde uso sa kanya ang salitang sorry” sabi ni stephen “ yes sir “ agad na sagot ng tatlo na noon ay nakayuko lang. at agad na ang mga itong umalis at sumunod kay oliver na noon ay naglalakad na palapit sa elevator
“STELLA’S POV
ng makarating si stella sa 3rd floor ng hotel ay agad na n’yang hinanap ang room 308 na agad din naman n’yang nakita at agad na syang pumasok dito para makapag pahinga na medyo napagod din sya sa byahe. pag pasok nya sa loob ng kwarto ay namangha sya sa ganda at linis ng loob nito hinde Lang nito natapatan ang expectation nya humigit pa. hinde naman ito kalakihan at pang sosyalan pero maayos at maganda ang kwarto nya pagpasok palang ay makikita na agad ang isang mahabang sofa sa bandang kaliwa naman ay ang king size bed na sobrang lambot at bango sa bandang kanan naman ay ang full glass window na kong saan kitang-kita ang ganda ng tanawin ng boung New York na gustong-gusto nya. pinuntahan din nito ang bathroom na may isang malaking bathtub at shower
ng matapos nya ikutin ang boung kwarto ay bumalik na ito sa Kama nya at saglit na humiga sa’ka huminga ng malalim. “ tama,ito ang tamang gawin, magsimula ulit at kalimutan ang nakaraan.” malungkot na sabi ni stella sa sarili nya. maya-maya lang ay biglang nag ring ang cellphone nya, agad naman nya itong sinagot ng makitang ang kaibigang si rachelle ang tumatawag “hello” agad na sabi ni stella pagkasagot nya ng tawag “hello girl! kumusta maganda ba? nagustuhan mo ba?” agad na tanong ni rachelle. “ok naman maganda ang kwarto.” tipid na sagot ni stella at tumatango-tango pa na akala mo’y nakikita sya ng kaibigan nya. wala din ito sa mode makipag usap dahil pagod at inaantok na sya. “ oo naman pinili ko talaga ang pinaka magandang kwarto para sayo para makapag enjoy ka at para magkaroon ka ng peace of mind at para makapag move on ka narin sa ga**ng ‘yon” matigas na sabi ni rachelle. si rachelle ang pumili at nag hanap ng hotel na pupwede n’yang tuluyan habang nasa new york sya ito din ang nag kumbinsi sa kanya na mag bakasyun ng ilang araw dahil nakikita nito ang hirap na pinagdadaanan nya. “rach, sorry pero pwede ba bukas nalang tayo mag usap pagod at inaantok na kasi ako gusto ko ng mag pahinga.” sabi ni stella para matigil ang pinag uusapan nila. oo inaantok at pagod sya pero hinde naman iyon ang totoong dahilan kaya pinutol nya ang pag uusap nila ng kaibigan nya iyon ay dahil ayaw n’yang nababanggit o napag uusapan ang ex nya na nanloko sa kanya.
pagkatapos nila mag usap ng kaibigan nya ay agad nitong hinagis ang cellphone nya sa kama at humiga ulit habang nakahiga ay hinde nya maiwasang maalala ang lalaking minahal nya ng sobra-sobra pero nagawa pang lokohin sya ibinigay naman nya ang lahat, lahat na kaya n’yang ibigay ibinigay nya dito oras, attention, pagmamahal at pera pero nagawa parin sya nito lokohin. hinde nya namalayan na tumotulo na pala ang Luha nya habang inaalala ang lahat ng magaganda nilang ala-ala no’ng magkasama pa sila. bahagya itong pumikit para pigilan ang mga luhang walang tigil sa pag agos mula sa kanyang mga mata sa’ka bumangon sa pagkakahiga at huminga ng malalim. “ ell, tama na hinde ka dapat umiiyak hinde mo dapat iniiyakan ang hayop na ‘yon manloloko sya niloko ka nya hinde sya karapatdapat sa luha mo.” payo ni Stella sa sarili nya sabay punas ng mga luha sa mata. “ ok, tama na mag pahinga kana.” sabi ulit ni stella sa sarili at agad na itong nag tungo sa banyo at naligo.