“Oh wow! ell? ikaw si ella?” gulat na tanong ni Olivia “yes” agad na sagot ni stella “Oh, sorry hinde ka namin nakilala hinde mo naman kami masisisi hinde ka naman kasi pinakilala ng magulang mo sa publico ni photos and info. about sayo ay wala tangging pangalan mo lang ang kilala ng mga tao ang alam Lang ng publico May isang anak na babae ang magulang mo pero walang nakakakilala ng mukha mo” mahabang paliwanag ni Olivia “ahm, actually choice ko iyon ayoko kasi ng public attraction at gusto na May mapatunayan sa buhay without my parents help at mangyayari lang yun kong walang nakakakilala sakin” sabi ni stella tumango tango nalang si Olivia at Allen habang si oliver ay nasa pagkain parin ang attention at parang walang naririnig “bakit hinde kayo mag trabaho ng magkasama? I mean bakit hinde kayo gumawa ng project or new business together?” biglang sabi ng ama ni oliver na ikinagulat ng lahat maski si oliver na kanina pa parang walang pakialam ay biglang nag angat ng tingin sa sinabi ng ama nya “well... si mathew ay isa sa mga partners ng smith corp. malaki din ang shares nya sa kompanya and since engage na kayo at ikakasal narin kayo soon, Bakit hinde nalang kayo magtrabaho ng magkasama? pareho naman kayo nasa business industry and kayo din naman ang makikinabang nito pagdating ng araw gagawin nyo rin naman ito, Bakit hinde nyo na gawin ngayun? maganda din ang maidudulot nito sa kompanya lalo na sa wilco. I heard nagkakaroon ng financial problem ang wilco. ngayun, so Bakit hinde kayo magtulungan na i-ayos o mas palaguin pa ang negosyo natin? malaki ang maitutulong nito sa kompanya lalo na sa wilco. What do you think oliver?” mahabang sabi ng ama ni oliver ng nakangiti “oo nga oliver magandang Idea ‘yon” sabi din ni Olivia “dad, ako na ang bahala wag na kayo mag alala pag uusapan namin ni ella ang tungkol jan” sabi ni oliver naramdaman naman ni stella ang paghigpit ng pagkakahawak ni oliver sa kamay nya kaya napatingin sya dito saka tumingin sa magulang nito at nag salita “tito ayaw po sana namin ma-involve ang business sa relationship namin pero wag po kayo mag alala pag uusapan po namin ng maayos ang tungkol jan” sabi ni stella ng nakangiti pero deep inside gusto na nya hilain si oliver palabas at pagtatadyakan ito ang dahilan kong bakit nasa ganoong sitwasyun sya pati pa magulang at kompanya nila madadamay dahil kay oliver. “ok, kayo parin naman ang mag dedesisyun sa huli pero sana i-consider nyo ang sudjestion ko para din naman ito sa inyo at sa kinabukasan nyo” sabi ng ama ni oliver bakas sa mukha nito ang disappointment at lungkot pero Wala naman magagawa si stella kahit gusto man nya pagbigyan ang hiling nito ay hinde maaari hinde totoo ang namamagitan sa kanilang dalawa isang araw matatapos din lahat ng kong ano man ang meron sila ngayun ayaw naman nya na marami ang madamay at maapektuhan lalo na ang magulang at kompanya nila. Parang biglang nakaramdam ng kirot sa puso si stella sa isiping isang araw hinde na nya makakasama o makakausap si oliver pero pilit n’yang inalis ang mga bagay na iyon sa isip nya dahil hinde maaari na mahulog sya kay oliver. May pailan-Ilan na mga tanong ang mga ito kay stella katulad ng, kong saan sya nag aral? ano ang natapos nya? sino ang mentor nya pagdating sa business? ano ano ang mga plano nya sa kompanya nila? natanong din ng mga ito kong kailan nila balak magpakasal at kong saan nila gusto ikasal minsan ay si oliver ang sumasagot pero madalas ay sya ang sumasagot makalipas ang ilang oras na kwentuhan or should I say question and answer ay nag pasya na silang bumalik sa kanya kanyang hotel para makapag pahinga.
kasalukuyang nasa biranda si stella ngayun tinatanaw ang lawak ng syudad pinagmamasdan ang iba’t ibang kulay ng ilaw sa paligid habang malalim ang iniisip madalas din ang malalalim na pag buntong hininga nito maghahating gabi na kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin dag-dag pa ang klima ng bansa habang maingay parin ang kapaligiran marami paring mga sasakyan sa labas rinig na rinig parin nya ang ingay ng busina ng mga sasakyan pati narin ang mga tao sa paligid napasinghap si stella ng biglang maramdaman ang isang matiponong braso na yumakap sa kanya mula sa likuran. Hinde nya napansin na nakalapit na pala ito sa kanya dahil sa lalim ng mga iniisip nya mainit at mahigpit ang mga yakap nito na nag papagaan ng loob nya “ano iniisip mo?” May pag aalalang tanong ni oliver ramdam nya na marami ang iniisip nito kanina palang ng pabalik sila ng hotel ramdam nya na hinde ito ok dahil sobrang tahimik Lang ito Panay din ang malalalim na buntong hininga nito. Hinde nya maiwasan ang mag alala hinde sya sigurado kong ano ang mga bumabagabag sa isip ni stella pero alam nya at nakikita nya na malungkot ito. “Wala” malumanay na sagot ni stella habang nakatingin parin sa malayo sa’ka huminga ng malalim at pilit na ngumiti “pwede mo naman sabihin sakin lahat ng nasa isip mo makikinig ako” malambing na sabi ni oliver habang nakayakap parin kay stella at hinahalik halikan pa nito ang balikat ni stella habang ang dalawang kamay ay nakapulupot sa beywang nito upang iparamdam dito ang pagdamay nya sa dalaga “wala ‘to May mga iniisip lang ako” malungkot na sabi ni stella “makikinig ako” sabi ni oliver huminga muna ng malalim si stella bago nagsalita “nag aalala Lang ako sa kong ano ang magiging reaction ng magulang ko kapag nalaman nila ang tungkol dito ayoko na ma disappoint sila sakin minsan na ako nagkamali at isa sila sa pinaka naapektuhan sa pagkakamali ko at ayoko na mangyari pa ulit iyon mahal ko ang magulang ko at ayoko na nasasaktan sila ng dahil sakin hinde ko alam kong ano ang kalalabasan ng lahat ng ito natatakot ako” malungkot na sabi ni stella “wag mo na isipin ‘yon ako na ang bahala sa lahat” sabi ni oliver naiintindihan nya si stella maski sya ay hinde din naman nya alam ang kalalabasan ng pagkukunwari nila pero gagawin nya ang makakaya nya para ma protektahan si stella “paano kong malaman ito ng parents ko? well for sure alam na nila after what happened earlier, ano na mangyayari?” malungkot na sabi ni stella.